Musoleo ni Mahal nagkakahalaga ng mahigit P5-M; kapatid ng komedyana may hirit kay Mygz Molino
FINALLY, natapos na rin ang ipinatayong musoleo ng pamilya ng komedyanang si Mahal na nagkakahalaga umano ng mahigit P5 million.
Ayon sa kapatid ng namayapang aktres na si Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay, sa wakas tapos na tapos na ang mausoleum ng kanyang kapatid.
Sa pamamagitan ng isang vlog na in-upload last Sunday, May 29, ibinalita nga ni Lany Tesorero na ang mausoleum na ipinagawa nila para kay Mahal ay natapos na siyam na buwan makalipas ang pagpanaw ng komedyana.
Sa isa namang live video kahapon, May 31, gamit ang YouTube channel ni Mahal, muling ibinalita ni Lany ang tungkol sa bonggang libingan ng kapatid.
“Sobrang saya ko rin po na natapos na itong musoleo ni Ate Mahal. Ito na po, nakita niyo na ‘yung kabuuan,” pahayag ni Lany.
“Actually, ‘yung loob hindi pa din natin natatapos. Pero ipapakita po natin ‘yan kasi yan po ‘yung pangako ko sa inyo,” sabi pa ng sister ni Mahal.
Nilinaw din ni Lany ang isyu tungkol sa kaibigan ni Mahal na si Mygz Molino na siyang nakasama ng komedyana noong mga huling araw nito sa mundo.
View this post on Instagram
Ito’y dahil na rin sa mga negatibong komento ng fans sa hindi pagbanggit ng isa pa nilang kapatid na si Irene sa pangalan ni Mygz sa mga taong pinasalamatan nito sa kanyang post matapos ang construction ng mausoleum ni Mahal.
“Ang ambag, hindi lang po ‘yan about sa pera. Katulad po ng mga fans ni Ate Mahal na nanonood, ambag na po nila ‘yan dito sa musoleo. Hindi naman po kami humihingi ng pera.
“‘Yung panonood po ng mga fans ni Ate Mahal, malaking tulong po ‘yun sa amin. May mga nag-donate, lalo na ‘yung binibili ko palang ‘yung lupa,” pahayag ni Lany.
Ayon pa sa kapatid ni Mahal na si Irene na nakabase sa Amerika, aabot daw sa P4.1 million ang nagastos sa musoleo, P2.8 million para sa lote at P1.3 million para sa buong libingan.
Ngunit sa pagtantiya ni Lany na siyang namamahala sa construction ng mausoleum, “Actually itong lupa, nasa 5 million po ito.
“Hindi po ‘yun ganu’n kadali. Hindi rin ‘yun ganu’n kadali kitain sa YouTube ng Ate ko. Pero wala po du’n si Mygz,” diin niya.
Aniya pa, “Ang pinag-uusapan po natin dito, ‘yung pagtayo ng musoleo, hindi ‘yung namatay ‘yung kapatid ko. ‘Yun lang naman po ang post ng kapatid ko, si Ate Irene ‘yung about du’n sa pagpapasalamat sa pagpapatayo sa musoleo.
“Sobra po talaga ‘yung pinagdaanan namin sa pagpapatayo sa musoleo. Kahit si Ate na nasa ibang bansa, ang dami niyang iniisip. Kumbaga, tulong-tulong po kami ng mga kapatid ko, hindi lang po pera,” sabi pa ng kapatid ni Mahal.
Sumakabilang-buhay si Mahal noomg August 31, 2021.
https://bandera.inquirer.net/292407/kapatid-ni-mahal-iyak-nang-iyak-akala-ko-maaabutan-ko-pa-siya-sabi-ko-kahit-may-covid-yayakapin-ko-siya
https://bandera.inquirer.net/307207/mygz-molino-naiiyak-pa-rin-sa-tuwing-naaalala-si-mahal-hindi-naman-nawawala-yun
https://bandera.inquirer.net/292499/kapatid-ni-mahal-todo-pasalamat-kay-mygz-ginawa-niya-lahat-para-maisalba-ang-kapatid-namin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.