ROCCO basted kay LOVI kaya gustong balikan si SHEENA | Bandera

ROCCO basted kay LOVI kaya gustong balikan si SHEENA

Ambet Nabus - September 18, 2013 - 03:00 AM


“Wala naman pong problema, huwag lang pilitin,” ang makahulugang sagot ni Sheena Halili sa amin nang dalawin namin sa set ng GMA series na Binoy Henyo kamakailan.

Ang isyu ay may kinalaman sa napag-uusapang project niya with her ex-BF Rocco Nacino na balitang type makipagbalikan sa kanya. Ito’y matapos ngang mapabalita na basted na ang aktor kay Lovi Poe.

Napatingin na lang at nagbigay ng kakaibang ngiti si Sheena na nagpasalamat dahil basta trabaho raw ay walang isyu sa kanya. “Next question,” ang dialogue nito saka naglitanya ng mga mami-miss niya sa soap na nagbigay daan sa kanya para maging “aktres”.

Last week na kasi ng afternoon GMA soap na Binoy Henyo at mas gusto raw niyang pagtuunan ng pansin ang mga nakatrabaho dito gaya nina Luis Alandy, Gwen Zamora, Ervic Vijandre, Nova Villa, ang bagets na si David Remo at marami pang iba.

Kung meron man siyang higit na dapat pagbutihin sa mga susunod na projects niya, ito’y walang iba kundi ang pagiging serious actress.

“Pero ang type ko sanang gawin if ever na pagbibigyan ako ay yung romantic comedy naman. Parang ang sarap magpakilig ngayon lalo pa’t kung yung makakatrabaho mo ay mga gaya nina Luis na marespeto at masaya lang kasama,” hirit pa ni Sheena.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending