Zoren hindi pa handang magkadyowa sina Cassy at Mavy: Kailangan baguhin mo ‘yung kultura
Mavy Legaspi, Carmina Villarroel, Cassy Legaspi at Zoren Legaspi
HINDI pa ready ang Kapuso actor at TV host na si Zoren Legaspi na magkaroon ng dyowa ang kambal nila ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy.
Ayon kay Zoren, kahit 21 years old na ang mga anak ay parang hindi pa niya raw nai-imagine na may karelasyon na ang mga ito.
Sa bagong vlog ni Carmina sa YouTube, sinagot ni Zoren ang mga tanong ng mga netizens at isa nga sa mga question ay kung ready na ba siya sakaling may ipakilala na sa kanyang boyfriend si Cassy at girlfriend si Mavy.
Binanggit ni Carmina kay Zoren na nali-link ngayon si Mavy sa Kapuso young actress na si Kyline Alcantara habang natsitsismis naman si Cassy sa Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.
Diretsong sagot ni Zoren, “Hindi. Kailangan baguhin mo ‘yung kultura.” Na ang tinutukoy ay ang pagkakaroon ng karelasyon ng mga kabataan sa murang edad.
“Kasi ‘yung kultura yung nag-develop ng ganyan eh, ‘yung prom prom na ‘yan, kunwari may prom date tapos yung mga prom junior prom that’s the start. It’s the culture,” ang paliwanag ng aktor.
View this post on Instagram
Dagdag pang hugot ng mister ni Carmina, “Para sa akin kasi why push them these things about relationships at a very young age kasi marami kang puwede i-push sa kanila at a different angle.”
“So let’s say, 20 na sila 21, who said na matanda na ang 20 at 21 para sa relationship or that’s the right age to have a relationship? There’s no such thing,” katwiran pa ng celebrity dad.
Aniya pa, “The later you have a relationship, the better.”
“25 ka, 26? You’re still single? That doesn’t mean you have a lonely heart. It’s better kasi hindi ‘yan ang priority actually sa buhay,” dugtong pang paliwanag ni Zoren.
“Nowadays, nakikita ko sa TikTok or mga bagets diyan lagi sinasabi ‘buti ka pa, kami wala pang dyowa.
“15, 16, 17 (years old) who cares kung wala, ibigin mo nanay mo, ibigin mo tatay mo, ibigin mo kapatid mo. There’s so many things to do,” ang mariin pang sabi ni Zoren.
https://bandera.inquirer.net/288158/carmina-zoren-nagkaiyakan-sa-pag-alis-ni-mavy-we-miss-you-already
https://bandera.inquirer.net/301394/zoren-ibinuking-si-carmina-nag-aaway-kami-sa-taping-para-akong-anak-niya-na-kailangang-intindihin
https://bandera.inquirer.net/306812/zoren-carmina-nagkaiyakan-nang-balikan-ang-mabilisan-nilang-wedding-hindi-kami-prepared
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.