Kung talagang may malasakit sa mga anak, CLAUDINE dapat nang patawarin si RAYMART

Ervin Santiago |September 18,2013
share this

Kung talagang may malasakit sa mga anak, CLAUDINE dapat nang patawarin si RAYMART

Ervin Santiago | September 18,2013 - 03:00 AM


May mga fans si Claudine Barretto na nagsasabing kung talagang mahal niya ang kanyang mga anak na sina Santino at Sabina, sana raw ay huwag na niya itong ipagkait kay Raymart Santiago.

Nakita namin ang bagong look ni Claudine habang iniinterbyu siya  sa bagong showbiz talkshow ng TV5 na Showbiz Police: Intriga Under Arrest, ito ‘yung muling pagkikita nila ng nakahiwalay na asawa sa Marikina Regional Trial Court kamakailan para sa pagdinig ng petition for Permanent Protection Order (PPO).

In fairness, mukhang nakakatulog na rin ng mahimbing ang aktres, at maganda rin ang bago niyang hairstyle. Nang tinanong siya tungkol sa kanyang buhok,  “Wala lang. Ano lang, panibagong buhay, look… light lang.” Ito raw ang paraan niya para putulin na ang mga pangit na kaganapan sa kanyang buhay.

“Nagpagupit ako a few days ago, pagkalabas ng mga anak ko sa ospital, nagpaalam lang ako ng isa, dalawang oras,” sey ni Claudine sa nasabing interview.

Nang tanungin naman siya tungkol sa kanyang mga anak at sa kanyang pagiging single parent ngayon, “I can’t ask for more, I’m really, really thankful dahil masipag yung mga anak ko.

Kumbaga, masipag mag-aral, obedient yung mga anak ko, they’re very, very responsible.” May tutor daw ang mga bagets pero aniya, “But also, nandiyan rin ako.

Pagkauwi, nire-review ko sila. Importante rin yung magulang na nakatutok sa mga anak, kasi ano ba naman ang role natin kung hindi tumutok din sa mga anak natin?”

Pero sabi nga ng ilang supporters ni Claudine na concerned sa kanyang mga anak, sana raw ay mag-usap na lang sila nang masinsinan ni Raymart, habang nagsasagutan raw kasi sila sa media, ang mga bata ang kawawa, lalo na kapag nagbabatuhan sila ng kanilang mga kasiraan in public.

Sey  ng isang kausap namin, “Kung talagang mahal niya ang mga anak niya, tigilan na niya ang pagsasalita ng kung anu-ano laban kay Raymart, ang hirap kasi kay Claudine, may pagkadalihira rin siya, e.

Hindi niya pinipili ang mga sasabihin niya kaya mas maraming nakikisimpatya kay Raymart kesa sa kanya. “Para rin kasi siyang palengkera tulad ng ate niyang si Gretchen, kaya ang payo namin sa kanya, ipakita niya sa mga tao na mabuti siyang ina, protektahan niya ang kanyang mga anak sa tamang paraan.

At huwag niyang ilayo sa kanilang ama ang mga bata dahil sila pa rin ang kawawa sa bandang huli,” chika pa sa amin.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending