TV5, Kumu, Cornerstone sanib-pwersa para sa 'Top Class: The Rise to P-Pop Stardom' | Bandera

TV5, Kumu, Cornerstone sanib-pwersa para sa ‘Top Class: The Rise to P-Pop Stardom’

Ervin Santiago - March 01, 2022 - 02:46 PM

Paolo Pineda, Robert Galang, Erickson Raymundo at Jeff Vadillo

PATULOY na pinalalawak ng Kapatid Network ang kanilang platform sa pamamagitan ng content partnerships.

Through Cignal Entertainment (na nasa ilalim ng Cignal TV), nakipagsanib-pwersa ang TV5 sa Kumu na kilala bilang isang content streaming platform at sa Cornerstone Entertainment na kilala naman bilang isang premiere multi-media company para sa pinaka aabangan na Pinoy Pop Group talent search ng Telebisyong Pinoy sa ngayon, ang “Top Class, The Rise to P-Pop Stardom”.

Ang contract signing  hosted by Markki Stroem, ay naganap sa TV5 Launch Pad na dinaluhan ng mga entertainment giants ngayon — tulad ni Kumu Commercial Chief Officer Paolo Pineda, Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo and Vice President Jeff Vadillo and Cignal Entertainment/ TV5 President and CEO Robert Galang. 

Ang Top Class ay isang orihinal na talent hunt survival series kung saan eeksena ang mga lalaking may potensyal na maging superstar. Dito, mapapanood ang kanilang paglalakbay patungo sa kasikatan at tagumpay sa showbiz.

Ibibida ng palabas ang mga batang aspirant na dadaan sa iba’t ibang pagsusubok na talagang susubukan ang kanilang husay at galing para makamit ang pinaka inaasam na premyo, ang maging susunod na Filipino Boy Idol Group. 

Sa 30 aspirant na sasabak sa kompetisyon, lima lang ang makakalusot at magkakaroon ng tsansa na pangunahan ang bagong henerasyon ng mga Pinoy talent.

Wala pang dalawang taon pagkatapos bumalik ng TV5 sa larangan ng entertainment production, patuloy ito na nagbibigay ng platform sa premium content dulot ng mga content partnership. 

Ang pagsasama ng kanya-kanyang galing at forte ng TV5, Kumu, at Cornerstone Entertainment sa larangan ng entertainment ay sisiguruhing magiging patok at kaabang-abang ang palabas na ‘to.

View this post on Instagram

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)


Sa patuloy na pagsikat ng Kumu, isang Pinoy live streaming app na ginawa para sa mga Millennial at Gen Z na Pinoy, binibigyan ng palabas ng pagkakataon ang mga nangangarap na content creator na makilala at maipakita sa mundo ang kanilang husay at galing. 

Kung isasama mo pa rito ang galing ng Cornernstone Entertainment (na kilala sa pagmama-manage ng ilan sa mga pinakasikat na artista ng bansa at sa paglikha ng mga award-winning teleserye tulad ng Niña Niño at Sing Galing), makasisiguro ang madla na magiging top of the line ang palabas na ‘to.

Ang Top Class ay isa lamang sa mga programa na handog ng TV5 sa summer ng 2022.

Ibibida rin ng programa ang iba-ibang host at mentor na kilalang-kilala na sa industriya. Sila ang makakasama ng mga aspirant sa kabuuan ng kompetisyon. Magkakaroon din ng ilang sorpresang bisita ang programa.

“Coming from a talent management perspective, we’ve handled a lot of some of the country’s biggest stars. And, through this show, we aim to get to create you know, the future of P-pop icons. That’s the goal. 

“With proper training and  with the experience that we have in terms of like discovering talents and honing and training them, we feel that we have a good chance of really raising up the future of P-POP through this show,” ayon kay Cornerstone Entertainment’s Vice President Jeff Vadillo.

Abangan ang drama at pagkalalabay ng mga aspirant na nangangarap maging bahagi ng susunod na P-Pop boy group sa TV5. 

https://bandera.inquirer.net/280344/marupok-ni-kz-waging-best-song-sa-himig-11th-edition-abs-cbn-kumu-nagsanib-pwersa-na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281640/organizer-ng-miss-eco-international-nangakong-di-pababayaan-ang-mga-kandidatang-nagka-covid
https://bandera.inquirer.net/297338/john-lloyd-balik-telebisyon-na-napakalaking-bagay-ho-na-nakahanap-kami-ng-tahanan-sa-gma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending