GOOD morning doc, may tanong lang po ako. Ang mama ko kasi almost 20 years siyang gumamit nng pills and last year nang huminto siyang gumamit. Marami siyang naramdaman, sakit ng ulo, minsan daw pati dibdib niya. Doc, epekto po ba ito ng pills? Infection po ba ito? Hindi ba ito delikado? Salamat po. — Annabel, Dumaguete City
Annabel, sa pag inom ng gamot o kaya ay gamot, kahit anong klase man ito ay may dinadalang ‘adverse effect’ o epekto sa ating katawan kaya’t dapat iniinom ito sa wastong “dosage” upang hindi ito magdulot ng kasamaan sa katawan.
Hindi “infection” ang iyong tinutukoy kundi “side effects” na kung “contraceptive pills” ang pag-uusapan, hindi naman ito gaanong nakikita maliban lang kung ang dami nito ay sobra sa nararapat.
GOOD pm, doctor Heal. ask ko lang sana, ang cervical cancer ba na nasa stage 2b na ay may pag-asa pang gumaling? Thanks. — Jomag, 38, Iloilo City, …4460
Jomag, ang cervical cancer kahit ito ay stage 2B ay mayroon namang pag-asang gumaling. Sa kumbinasyon ng Chemotherapy at Radiation treatment, maaaring makakamit ang 75-78% survival rate.
Doc,ano po ba ang sakit ko dahil laging nagkakasugat ang gilid ng ilong ko (pero hindi po ito natamaan ng kung anong bagay)at ano po bo ang gamot dito? — Jason, 19, …7235
Jason, may posibilidad na mayroon kang impeksyon sa balat, maaari ding nakakalmot mo ito habang ika’y natutulog. Maari rin na ang iyong balat ay tuyo kaya ito ay medyo sensitibo, kumakati at madaling masugatan.
Ang gamot ay depende sa sanhi ng sakit. Pahiran ng ointment na may steroid , anti-fungal at antibiotic.
Good evening po d0c..Ako po si Joyce ng Bicol. Itatanong ko lang po kung ano ang pinakamagandang pills at yung epektibo at wlang side effect na gamitin? –Joyce, Bicol, …3286
Joyce, lahat ng gamot may “side effect” at maiiwasan lamang ito sa pamamagitan ng pag-inom ng tamang dosage at wastong indikasyon.
Kapag mas matagal na iniinom ang gamot ay lalong nakikita ang mga negatibong epekto nito sa ating katawan. Kung “contraceptive pills” ang tinutukoy mo, marami kang makukuha sa parmasya na mababa lang ang “hormonal dosage”. Mas mainam ang “natural family planning” dahil talagang wala itong “side effects” at makaka-igi pa ito sa relasyon ng mag-asawa dahil sa disiplina sa pag-gamit ng sekwsalidad.
Magtanong lang sana ako kung magpabunot tayo nang ngipin mai buta b unyo gum kasi nangpabunot ako manatera p pero hindi na nila tang galin sabi nila buto, totoo ba yon? Paano kung di talaga natanggal, anong mangyayari?
Kung bubunutin ang ngipin, dapat na buo ito at wala nang matitira dahil kung sira ito, mananatili ang impeksyon at maaaring maging sobrang sensitibo ang “cavity” na naiwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.