CRISTINE matulis sa mga lalaki, gustong isumpa ng mga BADING | Bandera

CRISTINE matulis sa mga lalaki, gustong isumpa ng mga BADING

Cristy Fermin - September 18, 2013 - 03:00 AM

Madalas makitang magkasama ngayon sa iba’t ibang bar at restaurant sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Siyempre, dahil umamin na sila kamakailan tungkol sa kanilang relasyon ay maaasahan na ang paglalambing nila sa isa’t isa, nakukuha tuloy nila ang atensiyon ng ating mga kababayan kahit saan sila magpunta.

Hiling ng mga nakakausap namin, sana raw ay hindi agad magsawa sa bawat isa sina Derek at Cristine, kadalasan nga naman kasi ay nagigising na lang ang mga tulad nila na tapos na ang lahat.

Kapag sumosobra ang manipestasyon ng pagmamahal, kadalasan ay madaling manawa ang mga nagmamahalan, naibigay na kasi nila ang lahat-lahat sa bawat isa kaya nawawala na ang elemento ng sopresa.

Pero kilala naman si Derek sa pangmatagalang pakikipagrelasyon, ilang taon ba sila naging magkarelasyon ni Angelica Panganiban, hindi ‘yun makukuwestiyon.

Ang tanong, hindi naman kaya kay Cristine magsimula ang pagkasawa, kung babalikan natin ang pakikipagrelasyon ng sexy actress ay hindi katagalan ang kanyang pakikipagmahalan.

Mabilis itong magpalit ng boyfriend, meron pa ngang mga napapabalitang kuwento ng pakikipagrelasyon ni Cristine sa mga artistang meron nang girlfriend, kaya maraming nag-aalala na baka hindi rin tumagal ang kanilang relasyon ni Derek.

Pero meron talagang mga taong mabilis magmahal pero maalaga naman sa relasyon. Kani-kanyang atake lang ‘yan, kani-kanyang paraan, hindi mahuhusgahan ang isang relasyon sa tagal at bilis ng kanilang pagkikilala at pagsasama.

Ang alam namin ay maraming naiinis ngayon kay Cristine, mga babae at becki sila, dahil nasungkit daw ng dalaga ang isang lalaking matagal na nilang gustong makasama nang kahit isang gabi lang. Ha! Ha! Ha! Ha! Matulis si Cristine Reyes!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending