PBB big winner Yamyam Gucong tatay na: Welcome to the outside world baby Ali! | Bandera

PBB big winner Yamyam Gucong tatay na: Welcome to the outside world baby Ali!

Ervin Santiago |February 21,2022
facebook
share this

PBB big winner Yamyam Gucong tatay na: Welcome to the outside world baby Ali!

Ervin Santiago - February 21, 2022 - 06:08 PM

Yamyam Gucong, Elaine Toradio at Baby Ali

TATAY na ang “Pinoy Big Brother: Otso” big winner na si Yamyam Gucong!

Ito ang excited na ibinandera ng Kapamilya comedian sa madlang pipol matapos ngang manganak ang kanyang fiancée na si Elaine Toradio.

Nagsilang ng baby girl si Elaine base na rin sa ipinost na litrato ni Yamyam sa kanyang Instagram account ngayong araw.

“Welcome to the outside world baby ALIAH KAYE (baby ALI),” ang isinulat na caption ng komedyante sa kanyang IG photo kung saan makikita nga ang cute na cute na sanggol.

Matatandaang ibinalita nina Yamyam at Elaine sa publiko last December malapit na silang maging nanay at tatay dahil pregnant na nga ang future mommy.

View this post on Instagram

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


Engaged na ang dalawa last October, 2021 kung saan sinorpresa niya sa isang simple ngunit super romantic na proposal si Elaine.

Ani Yamyam, “Alam kong immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng ‘papayag kaba na maging asawa ko?'”

Of course, nag-yes naman agad ang emosyonal na non-showbiz dyowa ni Yamyam.

Masaya ring ibinahagi ng komedyante na nakabili na siya ng sariling sasakyan at land property para sa kanyang pamilya.

Nakapagpundar na rin sila ng kanyang fiancée ng maliit na negosyo sa Bohol.

Huling napanood si Yamyam sa Kapamilya online series na “Hoy, Love You” na pinagbidahan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)

PBB Big Winner Yamyam Gucong engaged na sa longtime dyowa

Yamyam Gucong may pa-baby reveal: Coming princess!

‘PBB Otso’ Big Winner Yamyam Gucong magiging daddy na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending