Yeng iyak nang iyak nang unang marinig ang kanta nila ni Gloc 9 na ‘Paliwanag’
Yeng Constantino at Gloc 9
HUGOT na hugot ang bagong kanta ng OPM singer-songwriter na sina Gloc 9 at Yeng Constantino — ang pinag-uusapan at hit na hit ngayong “Paliwanag”.
Ito ang ikalawang bonggang collab nina Gloc 9 at Yeng, una silang nagsanib-pwersa noong 2011 para sa kantang “Bugtong” na bahagi ng “Talumpati” album ng award-winning rapper.
Ini-release na kamakailan ang “Paliwanag” mula sa Universal Records at inareglo ni Thyro Alfaro.
Sa ginanap na online presscon para sa nasabing kanta, inamin ni Gloc 9 na matagal na siyang hindi nakagawa ng ganitong klase ng musika kaya excited siyang iparinig sa madlang pipol.
Para naman kay Yeng, isang karangalan na makatrabaho muli ang OPM icon para sa bago at makabuluhang proyekto.
Pero ano nga ba ang meaning ng kantang “Paliwanag” at paano ito maikokonek sa kasalukuyang social at political scenario sa bansa.
“Noong isinulat ko ang ‘Paliwanag,’ ‘di ako nagsasalita bilang Gloc-9, rapper o celebrity. Sinubukan ko lang din hukayin kung ano ‘yung malamang na nararamdamang ng karamihan sa mga kababayan natin.
View this post on Instagram
“If you listen to the song, hindi ko rin ini-exclude ‘yung sarili ko pagdating sa pag-ako ng mga mistake sa nakaraan. Kasama ako roon.
“At iyon din ang goal ko. I try not to be preachy sa mga kanta at kung mayroon man talaga akong gustong ihatid, kung ano talaga ‘yung nararamdaman ko na malamang na nararamdaman din ng karamihan sa mga kababayan natin,” tugon ng premyadong rapper.
Naiiyak naman si Yeng habang paulit-ulit na pinakikinggan ang kanta, “Parang nag-strike sa akin ‘yung mga question na, at times we tend to blame other people.
“Pero at times, mayroon din tayong responsibility sa sarili natin. We have the power bilang mamamayan to decide,” sey pa ng Kapamilya singer.
“Pinaka-passionate, ‘yung sa huli, ‘yun ‘yung gusto natin na impact. We’re not here to preach to anyone kasi iba-iba tayo ng pinaniniwalaan, iba-iba tayo ng interpretasyon.
“Pero kung anuman ang interpretasyon ng tao sa kanta na ‘to, may it lead to something beautiful and something na maghahango sa kanila sa kung saang dilim sila nandoon.
“Yung mga questions na ‘yun na ano ba ang kaya kong gawin at this moment as a powerful person sa desisyon ko na magli-lead din sa change sa life ko, kaya napakaimportante niyang kanta,” sey pa ni Yeng.
https://bandera.inquirer.net/299023/lagi-kong-tinatanong-noong-bata-ako-mahal-ba-talaga-ako-ni-mama
https://bandera.inquirer.net/305165/yeng-constantino-excited-sa-ipinatatayong-bagong-bahay-sa-quezon
https://bandera.inquirer.net/304282/ryan-nanghinayang-sa-kanila-ni-yeng-hindi-ko-napanindigan-yung-nararamdaman-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.