Kilalang aktres may 'panghihinayang', nami-miss daw ang ex-boyfriend na aktor | Bandera

Kilalang aktres may ‘panghihinayang’, nami-miss daw ang ex-boyfriend na aktor

Reggee Bonoan |February 17,2022
facebook
share this

Kilalang aktres may ‘panghihinayang’, nami-miss daw ang ex-boyfriend na aktor

Reggee Bonoan - February 17, 2022 - 05:41 PM

Mahulaan n’yo kaya kung sino ang ex-couple na ito?

“ALAM mo ba ang latest chism?” Ito ang bungad ng kaibigan naming may pagka-Marites (tsismosa).

Sabi pa niya, “Si ____ (pangalan ng aktres) may pinagsabihan na parang nami-miss niya si _____ (pangalan ng aktor), parang sort of panghihinayang.”

Hiwalay na ang dalawang celebrity na tinutukoy sa blind item na ito at hindi sila in speaking terms pero siguro kapag nagkita ay magbabatian naman dahil pareho naman silang professional.

“’Kung magkikita pa. Ha-hahahaha!” tumawang sabi ng aming kausap.

Oo nga, ito kasing si aktor ay iniwan si aktres sa network na dating pinagtatrabahuan. At sunud-sunod naman ang project ni aktor samantalang ang huli ay inaaral pa ang offers dahil may iba rin siyang gustong gawin sa buhay niya.

“Sinubukan naman ni ____  (aktres) lumabas kasama si _____ (aktor) pero habang tsikahan sila nang tsikahan, e, si _____ (ex-boyfriend) ang nasa isip ni gurl. So, alam na this,” kuwento pa ng aming kaibigan.

Sana naisip ito ni aktres noong bago sila maghiwalay ni aktor kung ano ang mga mawawala sa kanya dahil halos lahat ng babae ay gusto ang ex-boyfie niya, ‘yun lang pihikan ang binata kaya hindi siya papalit-palit.

Bale ba parehong may ugali ang aktor at aktres na wala silang binabalikan sa mga exes nila, kaya sa mga fans na umaasang baka maayos pa ng dalawa ang relasyon kapag nagkita ay malabo na.

* * *
                                                        
Bumilib ang outside world sa pagpapakilala kina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Enchong Dee bilang pamilya ni Kuya sa simula ng “Pinoy Big Brother” Kumunity Season 10” Adult Edition 2nd Eviction Night noong Sabado, Peb. 12. 

Kinagiliwan din ng netizens ang nakakatuwang kumustahan ni Kim, na dati ring “PBB” housemate at Big Winner, sa mga housemate bago inanunsyo ni Bianca ang paglabas sa bahay ni Kuya nina Rica Kriemhild at Aleck Iñigo. Nakakuha ang “Dolce Amore Daughter ng Italy” ng 4.55% ng combined votes, habang 5.02% ang nakalap ng “Most Valuable Rider ng Las Piñas.”  

Naligtas naman sa eviction sina Basti Macaraan at Kathleen Agir na nakakuha ng 19.06% at 11.75% ng combined votes. Pero noong Linggo (Pebrero 13), nabasag ulit ang puso nina Kathleen at Basti dahil nominado ulit sila sa susunod na eviction night sa Sabado (Pebrero 19) matapos makakuha ng 8 at 6 na puntos. Kasama nila bilang nominado sina Jaye Macaraan (5 puntos), Gin Regidor (4 puntos), at Zach Guerrero (4 puntos). 

Ligtas naman sa nominasyon si Michael Ver Comaling matapos magwagi sa “Head of Household” challenge, habang pinili ni Isabel Laohoo na gamitin ang kanyang immunity sa nominasyon. 

Ano na naman kaya ang dapat abangan ngayong linggo sa housemates at pamilya ni Kuya? Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel.

https://bandera.inquirer.net/288464/paghihiwalay-ng-kontrobersyal-na-showbiz-couple-may-mas-malalim-pang-dahilan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281542/alden-hiyang-hiya-nang-ipa-tattoo-ng-female-fan-ang-pangalan-niya-grabe-naman-to
https://bandera.inquirer.net/283893/gerald-sa-patuloy-na-banat-ng-bashers-alam-ko-naman-kung-saan-ako-nagkamali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending