Sanya, Gabby nagpasabog agad ng kilig sa 'First Lady', cast members spoiled sa lock-in taping | Bandera

Sanya, Gabby nagpasabog agad ng kilig sa ‘First Lady’, cast members spoiled sa lock-in taping

Ervin Santiago |February 16,2022
facebook
share this

Sanya, Gabby nagpasabog agad ng kilig sa ‘First Lady’, cast members spoiled sa lock-in taping

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 06:48 AM

Gabby Concepcion at Sanya Lopez

“SPOILED” ang buong cast ng Kapuso primetime series na “First Lady” na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Nagsimula na ang bagong romcom-family serye ng GMA 7 nitong nagdaang Lunes, Valentine’s Day at in fairness, talagang inabangan at tinutukan ng Kapuso viewers ang pilot episode nito. At start pa lang ng serye ay super kilig na agad ang manonood.

Kaya naman super thankful ang cast members at buong production ng “First Lady” na sama-sama ring nanood ng una nilang episode last Monday, Feb. 14.

Sa unang bahagi ng programa ay mabilis munang binalikan ang naging love story nina Melody Reyes (Sanya) at ni Presideny Glen Acosta (Gabby) bago nag-fast forward sa buhay nila ngayon bilang mag-asawa.

Sa nakaraang virtual mediacon ng serye, ipinagmalaki ng lahat ng involved sa serye na talagang alagang-alaga sila ng production sa buong duration ng kanilang lock-in taping.

Bukod kina Sanya at Gabby, ka-join pa rin sa “First Lady” sina Sandy Andolong at Boboy Garovillo bilang sina Edna Reyes at Florencio Reyes, ang nanay at tatay ni Melody; Analyn Barro bilang Gemrose Reyes-Garcia (kapatid ni Melody) at si Anjo Damiles bilang si Jasper Garcia (asawa ni Gemrose).

View this post on Instagram

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


Natanong ang mga ito sa online mediacon ng “First Lady” kung may nararamdaman silang pressure na malagpasan o mapantayan man lang ang tinamong tagumpay ng “First Yaya”?

Sagot ni Sandy, “Ako, I’m very confident. Kung hindi man ma-sustain, baka pa nga malampasan. Especially nung nabasa ko na yung script.

“Nagugulat nga ang PA (personal assistant) ko, e. Kapag katabi ko siya, nagbabasa ako ng script at nagre-react ako. One time, napa-ano ako e, ‘Oh my God!’ Sabi niya, ‘Bakit po?!’ Sabi ko, ‘Wala, wala.’

“And in terms of our characters naman, we all know naman more or less, you know, kung anong mga characters namin. And si Direk (LA Madridejos) naman is very particular about that during the shoot.

“Na nasu-sustain yung characters namin. So ako, I’m confident and I’m looking forward and I’m excited. And I like my job, I like working.

“And gusto ko rin itong lock-in na ito, we are taken care of very well by GMA. Spoiled pa nga kami e,” sabi pa ng veteran actress.

Kuwento naman ni Boboy, “Nu’ng ginagawa namin yung First Yaya, siyempre katuwaan namin, hindi namin alam talaga kung saan papunta yung kuwento. 

“Pero nu’ng nasa kalagitnaan na at naumpisahan na, naramdaman namin na gusto ng tao, masayang-masaya kami na nag-rate talaga.

“Kaya naman nu’ng dumating ang offer ng Book 2, I think sa loob lang ng buong cast, sigurado kami lalampasan namin yung First Yaya.

“Kasi sa ganda ng kuwento, alam namin na yung spinoff talaga mas malakas ang tapon, e! At saka nakita mo naman sa dinagdag sa cast ng First Lady, talagang kinargahan ‘to, kinargahan ‘to ng GMA!

“So hindi lang sa sigurado kaming lalampasan yung First Yaya, pero yung tiwala na ibinigay sa amin ng mga head ng GMA, siguradong tatrabahuhin namin iyan, siguradong lalampasan namin yung First Yaya,” sabi pa ng veteran actor at OPM icon.

Inamin naman ni Anjo na magkahalong nerbiyos at excitement ang naramdaman niya nang malamang kasama pa rin siya sa book 2 ng “First Yaya.”

“Kasi panibagong taping na naman ito, pero may kumpiyansa ako kina kuya Gabby at Sanya, and of course sa buong production team, sa mga direktor namin, sa writers, kasi iba. Iba yung takbo ng isip nila ngayon.

“Mas napaganda nila yung show, and alam ko kung maganda ang First Yaya, mas maganda ang First Lady, maraming nadagdag na bagong karakter, so nakakatuwang gawin ‘to,” sabi ng Kapuso actor.

Sey naman ni Analyn, “For me po, the pressure is there but I’m a bit confident. Ang laki po ng tiwala ko kay Direk LA, kay San (Sanya) kay Kuya Gabby, at sa lahat ng actors ng First Lady, so confident po ako na masu-sustain at malalagpasan pa namin yung mga expectations ng mga audience.

“And I’m so sure na mas lalong pinapaganda ng mga creatives yung istorya at mga eksena kaya panatag po ako sa First Lady and excited din,” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “First Lady” gabi-gabi sa GMA Telebabad sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen. Kasama rin dito sina Alice Dixson, Cassy Legaspi, Clarence Delgado, Joaquin Domagoso, Jerick Dolormente, Isabel Rivas, Francine Prieto, Samantha Lopez, Maxine Medina, Kakai Bautista, Kai Cortez, Thia Thomalla, Jon Lucas, Glenda Garcia at marami pang iba.

Sanya hindi ipinapasok sa ulo ang pagiging big star; Maxine enjoy na enjoy magkontrabida

Sanya inintriga ng ina kay Gabby: Ang tanong niya sa akin, ‘Kayo na ba?’ Sabi ko ‘Ma? Wait lang Ma!’

Alice inatake ng ‘sepanx’ nang mawalay sa anak para sumabak sa lock-in taping ng ‘First Lady’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending