Francine Diaz deadma sa bashers: May masasabi't masasabi sila sa 'yo | Bandera

Francine Diaz deadma sa bashers: May masasabi’t masasabi sila sa ‘yo

Therese Arceo |February 15,2022
facebook
share this

Francine Diaz deadma sa bashers: May masasabi’t masasabi sila sa ‘yo

Therese Arceo - February 15, 2022 - 11:29 PM

Francine Diaz deadma sa bashers: May masasabi't masasabi sila sa 'yo
ISA ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz sa mga naging kontrobersyal na artista na talaga namang pinag-usapan sa pagpasok ng bagong taon.

Sa pagpasok kasi ng 2022 ay nag-trending agad ang dalaga matapod mag-viral ang kanyang family pictures noong Bagong Taon kung saan nakasama niya ang kaibigan at kapwa member ng Gold Squad na si Seth Fedelin.

Dahil nga rito ay nanganak na lang nang nanganak ang isyu hanggang sa napakarami na ang may comment at napakarami na rin ang nang-bash kay Francine maging sa mga naging sangkot sa isyu.

Ayon sa interview ng Push sa dalaga, natural lang naman daw na may masabi ang ibang tao tungkol sa kanya kahit ano pa ang kanyang gawin lalo na at isa siyang artista. Kaya nga raw isa sa mga pinakamahalagang natutunan niya ay ang huwag magpaapekto sa mga bashers.

“Kahit anong gawin mo or kahit wala kang gawin, may masasabi’t masasabi sila sa ‘yo. And para po sa akin, importante rin talagang ma-master mo hindi naman deadma totally, pero i-ignore ‘yung negativity,” saad ni Francine.

Ngayon daw ay dahan dahan na niyang natututunan na tanggapin at intindihin ang mga sinasabi sa kanya ng madlang pipol, mabuti man ito o hindi.

Dagdag pa ni Francine, “Kasi for me, sa lahat naman ng bashing nila, may good and may bad na nangyayari kasi meron din akong lessons na natutunan from them, sa mga bashers ko. Bad lang kasi pinipili nilang maging nega. Tapos you know, pandemic, imbis na inspiration ‘yung binibigay and happiness, ‘yun po.”

Samantala, bukod sa kontrobersiya kinaharap ng dalaga kasama sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes o SethDrea, nag-trending rin ang dalaga nang ilabas nito ang mga larawan kuha noong pre-debut photoshoot niya na may temang dream land.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)

Dapat ay magkakaroon ng malaking selebrasyon ang dalaga na nag-celebrate ng ika-18th birthday noong Enero ngunit dahil sa muling pagtaaa ng kaso ng COVID-19 at paghigpit muli ng safety protocols, nagdesisyon ang sila na huwag na muna itong ituloy.

Naging uaap-usapan rin ang dalaga matapos siyang mapansin ng dalawa sa mga Korean actors na bumida sa hit Netflix na “All Of Us Are Dead”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang IG story sy ibinahagi niya na nireplyan siya ng bidang lalaki na si Yoon Chan-Young samantalang finollow naman siya ni Gyeong Su.

Related Chika:
Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready
Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending