Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me | Bandera

Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me

Ervin Santiago |October 18,2021
facebook
share this

Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me

Ervin Santiago - October 18, 2021 - 05:04 PM

Francine Diaz

KUNG may isang female youngstar ngayon na angat ang ganda at personalidad, yan ay walang iba kundi ang Kapamilya actress na si Francine Diaz.

In fairness kay Francine, masasabing pangbida talaga ang kanyang aura na maaaring ihalintulad sa taglay na karisma nina Judy Ann Santos, Kathryn Bernardo at iba pang celebrities na pang-leading lady.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa bagong endorsement ng “Huwag Kang Mangamba” star, kitang-kita ang kanyang glowing beauty kaya naman nagkakaisa ang members ng media na habang tumatagal ay nagbu–bloom siya.

“Ang glowing ko raw kahit nagpupuyat ako! Sobrang dami ng blessing ko ngayon, salamat sa mga supporter ko na palaging nandiyan sa akin,” pahayag ni Francine.

Natanong nga siya kung nasa plano ba niya ang sumali sa mga beauty pageant dahil pwedeng-pwede nga siyang mga beauty queen in the near future.

Sagot ni Francine, “Salamat po. Actually nakikita nila sa akin, na parang sina-suggest nila na sumali sa mga pageant. Natutuwa po ako na sinasabi nila sa akin yun, pero I don’t think kasi na it’s for me.

“Siyempre kung sasali po ako sa mga pageant, halimbawa sa Miss Universe, hindi lang sarili ko ang ipinapakita ko, kundi dinadala ko ang buong Pilipinas. Pero, I don’t think it’s for me,” paliwanag ng dalaga na turning 18 na rin.

Pero ang payo naman sa kanya ng mga nakausap niyang members ng entertainment press, huwag muna siyang magsasalita nang tapos dahil bala paglipas ng ilang taon ay subukan din niya ang rumampa sa Binibining Pilipinas, Miss Universe Philippines o Miss World Philippines.

Francine Diaz: May third eye ako pero ngayon wala na, nagsarado na siya

Samantala, kahit may pandemya, tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng blessings sa kanya, kabilang na ang pagiging newest endorser ng Dr. Alvin Skin Care Products for their new Rejuvenating Set.

Napili ni Dr. Alvin Matulac ang young actress dahil, “I think Francine is the perfect ‘face’ for our brand. She is beautiful, confident, and vibrant young lady.

“But beyond her physical attributes, we value somebody with good attitude, and Francine has it. She is consistently polite, courteous, and kind. It may sound redundant, but truly she is all that! And she smiles a lot too.

“And with her massive followings in different social media platforms, she can give inspiration and enthusiasm within her community to the lifestyle and products she is using and uphold the Dr. Alvin skincare products awareness campaigns,” aniya pa.

Bukod kay Francine, ang iba pang endorsers ng nasabing brand ay ang mga kapwa niya Kapamilya stars na sina Kira Balinger and Joshua Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagmamalaki pa niya sa aktres, “Francine can communicate with her peers and followers. We feel that she can inspire those who follow her to also take care of their skin as well. She is passionate to her craft and exudes a positive energy that can easily attract like-minded people to her. 
“Her personality and character shines through radiantly. She mirrors the youth, beauty, and femininity that we are looking for,” sey pa ng doktor.

Samantala, bukod sa pagiging busy sa kanyang showbiz career, tuloy pa rin si Francine sa kanyang pag-aaral kaya naman talagang matatawag hinahangaan siya hindi lang ng mga kabataan kundi pati na rin ng mga magulang.

Francine naibili na ng bahay at sasakyan ang pamilya; pangarap ding makakuha ng college diploma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending