Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready | Bandera

Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready

Ervin Santiago |January 05,2022
facebook
share this

Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready

Ervin Santiago - January 05, 2022 - 03:08 PM

Francine Diaz

SORRY na lang guys, lalo na sa mga nagbabalak na pormahan ngayong 2021 ang Kapamilya young actress at vlogger na si Francine Diaz.

Sa darating na Jan. 27, 2022, magse-celebrate na si Francine ng kanyang 18th birthday kaya naman marami ang nagsasabi na pwedeng-pwede na siyang magka-boyfriend.

Pero para sa member ng The Gold Squad (with Andrea Brillantes, Seth Fedelin and Kyle Echarri), hindi pa ito ang tamang panahon para magseryoso siya sa pakikipagrelasyon sa edad na 18. 

Sa panayam ng Kapamilya morning talk show na “Magandang Buhay” ipinagdiinan ni Francine na wala pa sa mga priorities niya sa ngayon ang pagbo-boyfriend at mas nais niyang mag-focus muna sa pagmamahal niya sa sarili at sa pagtatrabaho.

“Hindi naman sa ayaw ko ng love life, marami po akong crush. Pero alam ko na hindi pa po ako ready. Kaya for now happy ang heart ko,” pahayag ni Francine.

Aniya pa, alam niyang may perfect time para sa lahat ng bagay at nararamdaman niya na hindi pa ito ang panahon para pumasok siya sa isang serious relationship at para sa kanya “bata” pa rin ang 18 years old.

Sa nakaraang panayam sa dalaga, natanong din siya kung ano ang ideal age niya sa pagkakaroon ng dyowa at ang naging sagot niya ay, “I don’t think it has anything to do with age.

“It depends on the person’s emotional maturity. Right now, bawal muna ang love life. Having crushes is okay, they’re mostly K-pop personalities, anyway.”

“If I already feel that he’s the one, and my parents approve of him; and if I can already say I’m truly happy and safe when I’m with him. When that person comes, I will definitely go for it. Although I’m not really in a hurry to have a love life,” sagot pa ni Francine.

May ideal boyfriend ba siya? “I want a guy who is respectful of other people, especially my parents and siblings. And yes, I find this quality in Kyle, too.”

Para naman sa kanyang showbiz career, hiling ni Francine na magkaroon pa ng maraming trabaho ngayong 2022 at para sa pangkalahatan naman ay patuloy niyang ipinagdarasal na sana’y matapos na ang pandemya at bumalik na sa normal ang lahat.

Sey pa ni Francine nang tanungin about her wish this year, “More projects, para more money.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)

Francine Diaz sa pagsali sa beauty pageant: I don’t think it’s for me

Francine Diaz nabigyan ng hustisya ang pagiging babaeng maangas at siga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending