Bea umaming siya ang unang humalik kay Dominic: Naisip ko parang nagkamali yata ako... | Bandera

Bea umaming siya ang unang humalik kay Dominic: Naisip ko parang nagkamali yata ako…

Ervin Santiago - February 14, 2022 - 06:46 AM

Dominic Roque at Bea Alonzo

WALANG kaarte-arte at pag-aalangang inamin ng award-winning actress na si Bea Alonzo na siya ang unang humalik kay Dominic Roque.

Nagkabukingan ang magdyowa tungkol sa ilang kaganapan sa kanilang relasyon sa Valentine vlog ni Bea kung saan muli niyang nakasama ang kanyang boyfriend.

Dito nga napagkuwentuhan ng celebrity couple ang tungkol sa kanilang love story at pati na rin ang “tamis ng unang halik” moment nila bilang magdyowa.

Ilang random questions ang sinagot nina Bea at Dominic sa nasabing YouTube video na inihanda para sa kanila. 

At isa nga sa mga tanong na nabunot ni Dominic ay, “When was our first kiss?” na agad sinagot ni Bea ng, “Sa bahay. Gusto mo i-share?” 

“Kiniss ako nito,” ang diretsong sagot ni Dominic.

Game na game namang ikinuwento ni Bea ang mga nakakaaliw na eksena sa kanilang first kiss.

“Ganito kasi ‘yung nangyari, oo kiniss ko siya. Inumaga kami, hinatid niya ako sa bahay and ang sakit ng paa ko noon.

“Kasi nagsuot ako ng heels buong araw tapos kinuha niya ‘yung paa ako at minasahe niya. As in ang sakit talaga ng paa ko tapos minasahe niya,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Kasunod nito, buong-ningning ngang inamin ni Bea na siya ang unang humalik kay Dominic at mukhang proud naman siya sa kanyang ginawa.

“Basta parang nakatayo na kami noon and tapos kiniss ko siya. Tapos nu’ng una pa ganito ‘yung kiss niya (nag-aalangan).

“Naisip ko parang nagkamali yata ako, bakit ko siya kiniss ganyan. Tapos nag-pull back ako, tapos kiniss niya na ako ng totoong kiss kasi parang natawa ako,” birong chika ni Bea.

“Oo, ako ‘yung unang nag-kiss sa ‘yo. Happy?” ang sey pa ng dalaga.

“Bakit wala naman akong sinasabing hindi e,” hirit naman ng hunk actor na halatang kilig na kilig sa sinabi ng aktres.

Matatandaang unang nagkakilala sina Bea at Dominic noong 2016 nang magkasama sa isang event kasama ang TV host-comedian na si Vice Ganda. 

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Sa isang panayam, inamin ni Dominic na matagal na niyang crush si Bea at talagang gumawa siya ng way paraan magkakilala at mas magkalapit pa sila ng dalaga.

Noong Agosto nang nakaraang taon inamin ni Bea na boyfriend na niya si Dominic at last Jan. 28 naman sila nag-celebrate ng kanilang first anniversary.

https://bandera.inquirer.net/290422/sanaall-limang-simpleng-pag-amin-ni-bea-at-dominic-sa-tunay-nilang-relasyon

https://bandera.inquirer.net/290588/daniel-dominic-nagkaproblema-dahil-sa-isa-pang-anak-ni-karla-estrada

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290747/bea-kay-dominic-sobrang-inaalagan-niya-ako-pinagsisilbihan-hindi-nga-ako-sanay-e

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending