Vince Rillon ayaw mang-rebound: Ayokong gawin sa iba para hindi mangyari sa mga kapatid kong babae
CHALLENGING para kay Vince Rillon ang pelikulang “Larawan, Liko, Lipat” o “L3” series na may tatlong director tulad nina Topel Lee, EJ Salcedo at Roman Perez, Jr. na produced ng Viva Films at mapapanood ito sa Vivamax sa February 27.
Ito ang inamin ng aktor sa ginanap na Zoom mediacon nitong Biyernes ng hapon, “Kasi po first time kong magkaroon ng tatlong director sa isang pelikula. Pati leading lady ko, ilan sila? Apat (Chloe Barretto, Cara Gonzales, Stephanie Raz at Ayanna Misola). Nao-overwhelm o natutuwa ako sa sarili ko, hindi ko alam ang pakiramdam, e. Masaya po ako at thank you ako sa Viva na nagtiwala sila sa akin at sa aking mga manager.
Maraming love scenes ang “L3” series kaya natanong si Vince kung hindi ba siya nade-develop sa mga leading lady niya o kahit sa ibang pelikulang nagawa na niya.
“Ako po kasi sa tanong kung na-develop, siguro po makakaramdam ako ng love kasi kailangan kong maramdaman bilang Lukas (karakter sa pelikula). Kapag hindi ako nakaramdam ng kilig or something na ma-develop siguro hindi po ako satisfied sa karakter ko at hindi ko lilimitahan ang sarili ko bilang Lukas.
“Bilang Vince Rillon, maaring ma-develop pero sa ngayon hindi ko po iniisip dahil gusto ko po munang magtrabaho at ini-enjoy ko pa itong ibinigay sa akin na pagkakataon ng Viva. Not for now! Nakaramdam naman ako sa kanila ng, ‘wow!’ pero in character po.” Paliwanag ng binata.
At para maka-relate si Vince sa karakter niya bilang graphic artist ay nag-research siya at bumili siya ng mga gamit.
Aniya, “ since hindi po ako graphic artist, bumili ako ng paleta, board, kasi kailangan kong humawak ng brush kung paano ang hagod and then pagdating sa aktingan, nagpaaalay ako kina direk Topel Lee, EJ lalo na kay direk Jon (Red) kasi siya lagi ‘yung nasa set. Nagtiwala po ako sa kanila.”
View this post on Instagram
Ang gist ng “L3” series ay nasaktan si Vince sa break-up nila ng nobya (Stephanie) at para makalimot ay ginamit niya ang tatlong babae. Naniniwala ba ang aktor na ang pakikipag-sex will erase the heartache o heartbreak at nangyari na ba ito in real life.
“’Yung iba pong lalaki po malamang, naghahanap sila ng rebound at doon nila ini-express ang galit nila. Ang sa akin lang kung sa sarili ko ‘yun kawawa naman ‘yung babae.
“Biruin mo naloloko ka sa girlfriend mo tapos merong lumandi sa ‘yo o kailangan mong landiin ‘yung babae. Pag ginawa ko ba ‘yun o nailabas ko nakabawas ba sa problema ko? Siguro hindi.
“Hindi ko gagawin ‘yun. Malamang makipag-usap lang, comfort. May mga kaibigan po kasi akong babae na malalapit sa akin at sinasabi ko lang ‘yung side ko. Nagliliwaliw ako in a good way at hindi ako naghahanap ng rebound.
“Pero maaaring may nangyayari sa totoong buhay sa part naming mga lalaki. Ako po nirerespeto ko ang mga babae kasi marami akong kapatid na babae, so, ayokong mangyari sa kanila ‘yun. Ayokong gawin sa iba para hindi mangyari sa mga kapatid kong babae ‘yun,” paliwanag ng aktor.
Anyway, hindi lang sa Pilipinas mapapanood ang “L3” series sa February 27 kundi mapapanood na rin ito sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe, Canada at USA kung saan umabot na sa 2.5M subscribers.
Related Chika:
Paolo Gumabao sa sex scenes nila ni Vince Rillon: Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha, para one take lang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.