Bea nagka-COVID-19 habang naghahanda sa dream shoot at brand endorsement: But I survived! | Bandera

Bea nagka-COVID-19 habang naghahanda sa dream shoot at brand endorsement: But I survived!

Ervin Santiago |February 09,2022
facebook
share this

Bea nagka-COVID-19 habang naghahanda sa dream shoot at brand endorsement: But I survived!

Ervin Santiago - February 09, 2022 - 09:21 AM

Bea Alonzo

“I SURVIVED!” Ito ang bahagi ng naging pahayag ng Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos amining  tinamaan din siya ng COVID-19.

Ibinahagi ng dalaga sa publiko ang nangyari sa kanya nitong nagdaang Enero nang magpositibo sa coronavirus matapos maturukan ng booster shot kontra COVID-19.

Nag-post si Bea sa kanyang Instagram account kahapon, Feb. 8, ng isang litrato na kuha habang tinuturukan siya ng booster shot. Makikita sa photo ang aktres na naka-face mask at nakapikit.

“The start of this year was challenging. I caught COVID in early January, just like most people (during) the COVID-19 surge,” simulang pagbabahagi ni Bea sa caption.

Aniya pa, “And at that time, I was also struggling with the worst muscle spasm, all while getting ready for my dream shoot and a brand endorsement I never thought would happen.”

Tulad ng ilang celebrities na tinamaan ng virus noong kasagsagan ng surge last month, matindi rin ang naranasan ni Bea dahil halos lahat ng sintomas ay naramdaman niya.

“It was a challenging moment. I got most of the symptoms and I was having a hard time breathing. But I survived!” sey pa ng girlfriend ng hunk actor at businessman na si Dominic Roque.

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


At dahil nga sa nangyari sa kanya, muling nanawagan ang dalaga sa lahat ng Filipino na huwag magpakakampante kahit na medyo lumuwag na uli ang galawan sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya.

Kasunod nito, hinikayat din ni Bea ang lahat na magpabakuna na at magpa-booster para masigurong may panlaban sa virus.

Samantala, naghahanda na ang aktres sa inaabangang comeback movie niya kung saan makakasama niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Ang huling balita namin, ngayong buwan na magsisimula ang kanilang lock-in shooting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami na rin ang excited sa unang teleserye na gagawin ni Bea sa GMA 7. Balitang may nakahanda na ring materyal ang network para sa first ever series ng aktres bilang Kapuso.

Pia nagka-COVID sa UK kahit bakunado na, with booster pa: I eat healthy, I’m active pero nahawa pa rin

Iza inalala ang paglaban sa COVID makalipas ang 1 taon: Pease fight to survive!

Hidilyn Diaz: Kahit po ako, nag-positive na po, ingat po tayong lahat!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending