Andrea Brillantes bumilib sa Math teacher na gumawa ng kanyang string art: Ang galing!
VIRAL ngayon ang isang Mathematics teacher mula sa Negros Oriental na si Lyndon Paguntalan matapos niyang gawan ng string art ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.
Kwento ni Lyndon sa Inquirer, na-inspire siya sa isang Greek artist na si Petro Vrellis sa paggawa ng string art kaya naman pinag-aralan niya kung paano ito gawin.
“Siguro gusto ko rin subukan gumawa ng ibang concept ng art at sakto na nakita ko yung concept ni Petro Vrellis na string art,” saad ng guro.
Kuwento pa niya, nasaktuhan daw na noong mga panahong nais niya sumubok ng ibang art concept ay trending sina Andrea at ang ka-love team nitong si Seth Fedelin.
Matatandaang naging hot topic ang dalawa matapos mag-trending ang chika na nag-celebrate ng Bagong Taon si Seth kasama ang kanilang kaibigan at kapwa Gold Squad member na si Francine Diaz.
“Napaisip rin ako na what if subukan ko ‘yung art na ‘yun para kay Andrea Brillantes. Kaya nag-research talaga ako ng method at paano ba gawin ‘yun. Naghanap ako ng mga applications at softwares,” pagpapatuloy niya.
Dagdag pa niya, “Nakita ko naman ‘yung hinahanap ko kaya ‘yun po nakagawa po ako ng ganyan (string art).”
Inabot rin daw ng 40 hrs ang kanyang ginugol upang maisagawa ang kanyang art gamit ang mga pako, sinulid, plywood, at puting pintura.
View this post on Instagram
Napansin naman ni Andrea ang ginawang obra ni Lyndon.
“Ang galing!” comment ng dalaga.
Kahit ang ilang mga netizens ay humanga sa ginawa ni Lyndon.
“Ang tagal at ang hirap niyan at ang ganda,” comment ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Wow! Ang galing!”
Related Chika:
Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin
Kris mahaba pa ang laban para gumaling ang wasak na puso, pero tuloy ang pagtulong kahit lumala ang sakit
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.