Sheena praning na mommy, nagsuot ng rain cover sa elevator kasama ang anak: Nakakahiya pero... | Bandera

Sheena praning na mommy, nagsuot ng rain cover sa elevator kasama ang anak: Nakakahiya pero…

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 07:27 AM

Sheena Halili at Baby Martina

MARAMING parents ang naka-relate sa pagiging “praning na mommy” ng Kapuso actress na si Sheena Halili sa gitna pa rin ng patuloy na banta ng pandemya.

In fairness, talagang todo pa rin ang pag-iingat ng celebrity mom sa paglabas-labas nila ng bahay lalo na kapag kasama niya ang anak na si Baby Martina.

At kahit nga magmukha siyang katawa-tawa, walang paki si Sheena sa sasabihin ng mga tao dahil ang concern pa rin niya ay makaiwas sa  pagkakaroon ng COVID-19.

Kuwento ng aktres sa kanyang Instagram story, napilitan siyang gumamit ni Martina ng rain cover bago sila gumamit ng elevator.

Ayaw daw kasing sumakay ng kanyang bike si Martina kaya ang ginawa niya, magsuot na lamang ang rain cover para ito ang gawin nilang proteksyon ng anak.

“Ladies and gentlemen ang praning na nanay ni Martina. Dahil ayaw nang sumakay ni Martina sa bike niya, ito ako na lang ang nagsuot ng rain cover ng bike niya. Sasakay kasi kami sa elevator,” ang hirit ni Sheena.

Chika pa ng Kapuso actress, “Akala ni Martina naglalaro kami. WALA! Nakakahiya pero alam ko naiintindihan nila (emoji).”

Sey pa ng aktres, medyo natagalan pa raw sila bago nakasakay ng elevator dahil hinintay pa nilang maubos ang tao.

Sabi pa ni Sheena sa kanyang Instagram post, “Ang tagal namin naghintay ayaw namin may kasabay sa elevator.”

“Di pa nakapag mask si Martina. Alam ko nakakapagod na minsan kahit anong ingat naten tinatamaan pa rin sila ng sakit.

“Pero at least binibigay naten best naten to protect them walang ‘sana pala,'” katwiran pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili)


Maraming natuwa at naaliw kay Sheena pero mas marami ang nagsabing walang masama sa pagiging praning ngayong may health crisis pa rin.

“Kaaliw ka Sheena! Pero dapat lang talaga maging praning pa rin tayong lahat para hindi mahawa. Mahirap na lalo na sa mga sanggol na hindi pa bakunado,” sey ng isang netizen.

Comment naman ng isang fan sa Facebook, “Tama iyan, SAFETY FIRST. Mahirap magkasakit lalo na pag anak mo pa, nakakaawa tingnan pag ang anak mo nagkasakit lalo na pag baby.”

“Ok nga Yan eh at least dalawa sila may cover ayaw nya tamaan Ng COVID Ang baby nya, Hindi Gaya Ng mga nanay na sumasakay sa LRT sila mga nakaface mask, mga baby nila nakatiwang2 Ang mga mukha walang fmask salong salo Ng ilong at bibig Ng mga baby nila Ang viruz,” sabi naman ng isa pang 

Peo may nagsabi namang, “Hindi na makahinga yan. Wag na lang po ilabas kung hindi kailangan. Tapos wala pa tama ventilation ang elevator. Ingat!”

Isinilang ni Sheena ang panganay na anak nila ni Jeron Manzanero noong Dec. 12, 2020.

https://bandera.inquirer.net/304378/mommy-hugot-ni-sheena-gandang-lumalaban-sa-puyat-pagod-at-hirap-sa-pag-iisip-anong-uulamin-namin-next-week

https://bandera.inquirer.net/303014/katrina-nagsalita-na-tungkol-sa-misteryosong-sakit-nanigas-daw-ang-leeg-sobrang-nilamig

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/292340/anne-umamin-im-a-very-super-duper-praning-mom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending