Sheena Halili isinilang na ang ika-2 anak: My baby Jio is here!

Sheena Halili isinilang na ang ika-2 anak: My baby Jio is here!

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 09:58 AM

Sheena Halili nanganak na sa 2nd baby: My baby Jio is here!

Sheena Halili at Baby Jio

ISINILANG na ng Kapuso actress na si Sheena Halili ang ikalawang anak nila ng kanyang asawang si Jeron Manzanero.

Ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram page ang good news kalakip ang litrato nila ng kanilang bagong-silang na baby boy na kuha sa loob ng delivery room.

Baka Bet Mo: Jennylyn sinorpresa ng baby shower si Sheena: ‘Ang sweet mo namang friend!’

Ang tanging caption na inilagay ng StarStruch Season 1 alumna sa kanyang IG post ay, “My baby Jio is here!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeron Uy Manzanero (@jemanzanero)


Nagbahagi rin ang mister ni Sheena, na isang administrator sa Pasig City, ng maikli ngunit madamdaming mensahe para sa kanyang misis.

“You’re amazing, Mama Sheena! Ate Martina, Jio, and I love you so much!” ang caption ni Jeron sa kanyang social media post.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga kaibigan in and out of showbiz para sa mag-asawa at sa kanilang second baby.

Baka Bet Mo: PBA player Jio Jalalon inireklamo ng asawa: Traumang-trauma na ko sa lahat ng panloloko mo

Bago ipangangak si Baby Jio, nag-post din ang Kapuso star ng message para naman sa panganay nilang anak na si Martina Candice Manzanero kalakip ang mga litrato at video ng bagets mula noong sanggol pa ito hanggang sa lumaki na

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili)


Mensahe ni Sheena sa anak, “My firstborn! Love you, Ate Martina! Mamimiss ko na tayong dalawa lang pero promise mas masaya na dalawa na kayo soon!”

Matatandaang noong March 2, 2024 ay ibinandera ng mag-asawa sa socmed na magkakaroon na sila ng bagong baby. Sey ni Sheena sa kanyang IG announcement, “My body, a miraculous vessel of lie, blooms again. Hello, baby number two!”

Nag-viral ang engagement nina Sheena at Jeron noong August 26, 2018, na nangyari sa loob ng sinehan sa Greenhills Shopping Center sa San Juan, kung saan present ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong February 23, 2020 naganap ang kanilang wedding sa The Blue Leaf Cosmopolitan, Quezon City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending