Sheena bawal pang magpapayat dahil sa pagiging padede mom: Nakakapanghina mag-breastfeeding! | Bandera

Sheena bawal pang magpapayat dahil sa pagiging padede mom: Nakakapanghina mag-breastfeeding!

Ervin Santiago |February 10,2022
facebook
share this

Sheena bawal pang magpapayat dahil sa pagiging padede mom: Nakakapanghina mag-breastfeeding!

Ervin Santiago - February 10, 2022 - 12:34 PM

Sheena Halili, Jeron Manzanero at Baby Martina

DEDMA muna ang Kapuso actress at StarStruck alumna na si Sheena Halili sa pagpapapayat para sa kapakanan ng kanyang anak na si Baby Martina.

Isang certified padede mom din kasi ang aktres kaya hindi pa siya pwedeng mag-diet nang bonggang-bongga tulad ng ginagawa niya noong dalaga pa siya.

Mas mahalaga pa rin daw sa ngayon ang kalusugan at pagpapalakas sa immune system ng anak nila ng asawang si Jeron Manzanero, lalo pa’t may banta pa rin ng pandemya.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, ibinahagi nga ni Sheena sa mga supporters at social media followers niya kung bakit hindi niya masimulan ang balik-alindog pograma para maibalik ang kanyang pre-pregnancy body.

Nag-post ng latest selfie photo ang aktres sa IG na may hugot caption na, “’Di ko pa kaya mag-diet or super healthy food. 

“Carbs muna ako talaga nakakapanghina pa rin talaga mag-breastfeeding! Parang gutom ako lagi!” pahayag pa ng celebrity mommy.

“Nag-mirror selfie na rin ako. Laki pa rin pala ang tiyan ko. 10 months na lang hahataw na ako sa workout! Hahaha 10 months pa ako puwede kumain ng kahit ano,” ang sey pa ni Sheena.

View this post on Instagram

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili)


Samantala, ibinahagi rin ng Kapuso star ang pagde-date nila ng asawa sa isang mall kamakailan at chika ni Sheena, talagang na-excite raw siya uli na makapaggala.

Ito ang caption ng aktres sa mga litrato nila ni Jeron, “Nag-date nga pala kami kahapon. Grabe makapag mall lang sa panahon ngayon parang nagtravel nako sa ibang bansa sa excitement, parang ang haba rin ng nilakbay sa hingal.

“2 oras palang ako sa mall gusto ko na ring umuwi dahil pagod nako,” aniya pa.

Sheena praning na mommy, nagsuot ng rain cover sa elevator kasama ang anak: Nakakahiya pero…

‘Mommy hugot’ ni Sheena: Gandang lumalaban sa puyat, pagod at hirap sa pag-iisip anong uulamin namin next week…

Billy bilib sa pagiging padede nanay ni Coleen: Wonderful mom and the best wife to a pasaway husband!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending