Mel Sarmiento hindi raw kinaya ang mga pasabog ni Kris laban sa kanya, sey ni Cristy Fermin
MULING napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang digital show na “Cristy Ferminute” ang dating magkarelasyon na sina Mel Sarmiento at Kris Aquino.
Pagkukwento ni ‘Nay Cristy, mayroon daw napagsabihan ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Mel Sarmiento na hindi daw niya kinaya ang ginawa ni Tetay na maglabas ng statement laban sa kanya.
“Alam mo meron daw pinagsabihan si Ginoong Sarmiento na lahat na ng salitang masasakit ay tinanggap niya sa buong buhay niya. Lahat daw ng karanasan ay pinagdaanan na niya.
“Pero ‘yung talagang hindi niya kinaya ‘yung ginawa ni Kris na in public talaga, sinabi na siya ay manggagamit, at hindi naman tunay na kaibigan ng dating Pangulong PNoy sumalangit nawa,” saad ni ‘Nay Cristy.
Matatandaan na naglabas ng saloobin si Kris sa post ng talent manager na si Lolit Solis patungkol sa isyu noon na nagkabalikan ang dalawa.
Sa nasabing statement ni Kris ay sinagot ni Kris na wala nang tsansa na magkabalikan sila ni Mel dahil kaunti na lang ang respetong niya dito matapos niyang malaman ang mga ginawa nitong paggawa ng mga kuwento upang patunayan na “close” sila ng kanyang yumaong kuya.
Ang mga huling katagang sinabi ni Kris ang talagang nagmarka sa madlang pipol patungkol kay Mel na “So paano magbabalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang?”
Sey naman ni ‘Nay Cristy, sino naman daw ba talaga ang kakayanin ang mga ganong linya?
“Yung nakakakaloka kasi yung ‘ginamit ka’. Yung parang manggagamit ka. Parang di mo na mababawi ito eh wala nang chance. Paano ko mapapatunayan to sa mga tao na sinabing ginamit ka… Hindi ko naman pwedeng ipagtanggol ang sarili ko, kalalaki komg tao, tatalak ako sa ‘yo,” pagbibigay opinyon ni Romel sa side ni Mel.
Sey pa ni ‘Nay Cristy, kahit daw siya ang lumagay sa pwesto ng dating kalihim ay wala na rin siyang mukhang ihaharap sa publiko matapos ang mga sinabi ni Kris.
View this post on Instagram
Anyway, sa ngayon ay abala pa rin si Kris sa pagpapabuti ng kanyang kalusugan lalo na’t may dalawang anghel siyang pinagkukunan ng lakas ng loob para magpatuloy pa at labanan ang kanyang kalagayan.
Nakatakda rin itong lumipad pa-Amerika at kasalukuyang inaayos ng kanyang team ang mga kinakailangan para sa kanyang pagpapagamot.
Related Chika:
Mga litrato at video ni Mel Sarmiento burado na sa socmed ni Kris, naghiwalay na nga ba?
Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.