Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin | Bandera

Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin

Therese Arceo |January 04,2022
facebook
share this

Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin

Therese Arceo - January 04, 2022 - 03:39 PM

Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin

LABIS na nalungkot ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis nang kumpirmahin ni Kris Aquino ang paghihiwalay nila ng fiance na si dating DILG Sec. Mel Senen Sarmiento.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang nararamdaman patungkol sa naging kumpirmasyon ni Tetay kagabi hinggil sa kanilang kumpirmasyon at naging rason ng kanilang paghihiwalay.

Aniya, akala niya ay si Mel na ang “the one” ni Kris matapos ang rebelasyon ng TV host-actress noong nakaraang taon.

“Na-sad naman ako sa balita at confirmation ni Kris Aquino na wala na sila ni Mel Sarmiento, Salve. Akala ko pa naman si Mel na ang forever ni Kris, at ito na ang hinahanap niyang ‘the one’.

“Matagal tagal din iyon naging relasyon nila kaya inakala na ng marami na ito na nga ang final journey ng lovelife ni Kris, kasal na lang ang kulang.

“Hindi mo na rin talaga makuha ang tutoong type ni Kris dahil inakala ng marami na dahil mas may edad si Mel siya na ang hinahanap na emotional security ni Kris,” saad ni Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Aniya, malungkot siya para kay Tetay dahil paniguradong dahil sa iniinda nitong sakit ay kailangan nito ng katuwang at makakapitan.

“Sad ako dahil nakita ko na talagang failing ang health condition ni Kris at parang ngayon niya needed ang emotional crutch to hold on sana.

“Kahit feeling ko mas maganda ngayon si Kris dahil iba ang character ng kanyang mukha ngayon, mas gusto ko parin na madagdagan sana ang kanyang timbang kahit konti.”

Nangangamba rin si Manay Lolit na baka makadagdag sa stress ni Kris ang kanilang break-up.

“Saka hindi ba added stress sa kanya ang heartache ng break up? Baka lalo pa siyang pumayat ngayon kung feeling sad siya sa paghihiwalay nila ni Mel. Parang at this point mas dapat meron siyang katabi sa mga pinagdadaanan niya.

Pero naniniwala rin naman si Manay Lolit na kayang-kaya ni Kris ang pagsubok na kanyang pinagdaraanan ngayon.

“Naku, knowing how strong ang determination ni Kris Aquino sa anuman pagsubok, parang kayang kaya niya dalhin kung anuman ang emotional state niya ngayon.

“Sana nga mild lang effect sa kanya ng break up nila ni Mel para hindi na lalo pang mabawasan ang kanyang timbang.”

Dasal naman ni Manay Lolit na sana ay sa kabila ng pinagdaraanan ni Kris ay mahanap na niya ang tunay na magmamahal sa kanya.

“Stay strong Kris, we love you. Sana meron agad dumating na knight in shining armour, na mukhang Gabby/Robin/James sa buhay mo, hah hah joke joke. Basta kailangan lang tunay na magmamahal sa iyo, dahil deserving kang mahalin, a very precious gem.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Mga litrato at video ni Mel Sarmiento burado na sa socmed ni Kris, naghiwalay na nga ba?
Kris, Mel naghiwalay nang dahil sa COVID; mas lumala pa raw ang sakit ng mommy nina Josh at Bimby

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending