Kristine nagtatakbo, nagtago nang mag-propose si Oyo: Natakot ako...kasi hindi naman kami! | Bandera

Kristine nagtatakbo, nagtago nang mag-propose si Oyo: Natakot ako…kasi hindi naman kami!

Reggee Bonoan |February 02,2022
facebook
share this

Kristine nagtatakbo, nagtago nang mag-propose si Oyo: Natakot ako…kasi hindi naman kami!

Reggee Bonoan - February 02, 2022 - 06:39 PM

Kristine Hermosa at Oyo Sotto

UNANG beses nagkuwento sa publiko ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa tungkol sa kanilang love story. 

Sila ang special guest ni Toni Gonzaga-Soriano sa kanyang vlog na in-upload sa YouTube nitong Peb. 1 na mayroon na ngayong 1.8 million views and counting.

Nagkakilala ang dalawa sa pelikulang “Enteng Kabisote” noong  2005 kung saan ginampanan ni Tin ang karakter na Faye na asawa ni Vic Sotto at ina nina Oyo as Benok at Ice Seguerra bilang si Aiza Kabisote.

Parehong may mga karelasyon noon sina Oyo at Tin kaya dedma sila sa isa’t isa

“May kanya-kanya kaming lovelife noon, eh. Pero nagagandahan ako sa kanya,” nakangiting sabi ng hubby ni Kristine.

Aminadong hindi talaga pinapansin noon ni Tin si Oyo dahil, “Tutok ako noon (sa dyowa) parang kabayo lang ako no’n.”

Pero si Oyo ay may paghanga na noon sa napangasawa, “Napapanood ko ‘yung Pangako Sa ‘Yo, siyempre sikat na sikat siya no’n. Kami naman ni Aiza ng mga panahon na ‘yun na mahilig mangulit, e, nanay namin siya (Tin) noon, ‘tara punta tayo kay mommy.’

“Siyempre pag mga eksena (Enteng Kabisote) si direk sabi niya, ‘o dikit lang kayo sa mommy n’yo’ so kami dikit kay mommy (sabay hawak sa braso), so sinasamantala namin ‘yung opportunity na makalapit sa kanya.”

Hindi naman daw napansin noon ni Tin na sumisimple na sa kanya ang aktor kasi nga wala siyang malisyang iniisip.

Sa tanong ni Toni kung ano ang first impression niya kay Oyo, “Wala, seryoso parang hi, ganu’n lang tapos tago na ako sa dressing room.” Ramdam naman iyon ni Oyo, “Ayaw niya ako, eh.”

Hanggang sa muli silang nagkasama sa “Enteng Kabistote 3″ noong 2006 at parehong hindi na raw okay ang kanilang lovelife that time.

Sabi ni Kristine, “Meron pa siya (Oyo). Ako naman holding on pa.”

“Parang ganu’n, pawala na rin,” sagot naman ng aktor.

At sa muli nilang pagsasama sa pelikula ay nagkaroon na siya ng kakaibang pakiramdam sa aktres, “Yun na ‘yung parang…ganda nito, ah,” tumawang sabi ni Oyo.

Sabi naman ng asawa, “Puro ganda? Nakakainis wala man lang sinabing, ‘ang bait niya, very thoughtful’ walang ganu’n?”

Hanggang sa naging malapit na sila sa isa’t isa at nagkakasabihan na ng mga personal na nangyayari sa buhay nila mula past relationships, family, friends, career at kung anu-ano pa.

Laking gulat na lang ni Kristine na ipinakilala siya ni Oyo sa pamilya nito. “Oo kasi never ko naman siyang ipinakilala sa mga pinsan ko o sa dad ko na ‘girlfriend ko,” pag-amin ng aktor.

Hirit ni Tin, “Kasi never naman talaga kaming dumaan doon (girlfriend/boyfriend stage).”

Habang magkasama at close na ang dalawa ay wala pa rin sa isipan ni Kristine si Oyo dahil may ibang laman ang utak at puso niya.

“Ang dami ko pang mga ano, tira-tira kasi nga tutok ako. Pag may minahal ako siya lang, focus ko talaga so, walang chance to look around,” saad nito.

At nagagalit nga raw si Oyo kapag umiiyak siya dahil sa ex-boyfriend niya. Payo raw sa kanya ng aktor, “’Iwan mo na ‘yan! Bakit ka nagsasayang ng panahon diyan.’ Nanggagalaiti siya (galit) pag umiiyak ako or pag may nalalaman siyang kung anong balita sa labas na nakita raw si ganyan, si ganu’n. 

“Kasi ako gusto ko makita ko talaga (to see is to believe). E, siya (Oyo), ‘e, nakita na nga ang daming nagsasabi bakit hindi ka pa naniniwala?’ Sabi ko ulit, ‘I want to see it for myself.’”

Pero kahit may ibang laman pa ang isipan noon ni Tin ay tiningnan niya si Oyo, “Kasi may kasabihan daw na kapag napi-picture mo ang sarili mo kasama ‘yung guy, ‘yun daw ang makakatuluyan mo.

“‘Yun ang sabi nila, so tinitingnan ko siya (Oyo) ganu’n kasi nga alam ko may feelings na siya sa akin. Sabi ko, ‘Lord bakit hindi ko siya ma-picture?’” aniya pa.

Naikuwento rin ni Oyo na sa edad niyang 27 noon (28 naman si Tin) ay wala naman siyang planong mag-asawa dahil hindi pa niya kaya ang responsibilidad at gusto pa niyang makagawa ng maraming pelikula.

Pero nagising na lang siya isang araw na gusto na niyang mag-propose kay Kristine base na rin sa udyok ng pastor nila dahil lagi silang magkasama sa Bible study.

“Kinakausap ako ng pastor namin, ‘ano Oyo siya ‘yung lagi mong kasamang babae, ano ba gusto mong mangyari?’ Sabi ko hindi ko rin talaga alam. Sabi niya, ‘kung ganyan lang din ang plano mo ‘wag mo nang ituloy. Sasaktan mo lang ‘yung babae at sasaktan mo lang din ‘yung sarili mo. So, siya ‘yung nag-push sa akin na magpakasal.

“So, gulung-gulo ako kasi wala sa akin ‘yung kasal-kasal na ‘yun kasi steady lang, lagi ko siyang kausap, lagi ko siyang kasama wala kaming label, kung baga convenient sa akin.

“Hindi ko nakikita ‘yung sarili ko na magpakasal hanggang sa nagising ako, sige magpo-propose na ako and ‘yung time na yun nagpapagawa na ako ng engagement ring niya.

“So, may engagement ring na dala-dala ko sa Bible study pero hindi pa ako sure kung magpo-propose na ako. Basta dala ko lang na inisip ko puwede naman akong mag-propose o gift ko lang sa kanya,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)


At nang sumapit nga ang kaarawan ni Tin, Set. 9 ay doon na nagdesisyon si Oyo, “Walang may ideya, naisip ko lang talaga na mag-propose, very unplanned talaga tapos nu’ng pinaupo siya sa gitna kasi birthday, nagsalita ako.

“Nagpasalamat ako bilang kaibigan, nag-sorry ako sa mga nagawa ko tapos lumuhod ako nilabas ko yung singsing, sabi ko, ‘will you marry me?’ Lahat ng mga pinsan ko nagtsi-cheer na, ito (Tin) umalis, tumakbo sa likod,” balik-tanaw ni Oyo.

Bakit tumakbo si Tin? “Natakot ako, kinabahan talaga. Sabi ko, ‘huh?  Ano ‘to? Nagtago ako sa likod ng bahay ni Danica (Sotto), nagdasal ako, sabi ko, ‘Lord ano ‘to? Bakit ganito? Hindi naman kami, ah?  Bakit siya nagpo-propose? Sabi ko, God this is urgent!”

Nakaluhod pa rin daw si Oyo, “Naghihintay ako baka hindi na bumalik. Medyo matagal.”

Sabi rin ni Tin, “May katagalan nga rin akong bumalik, mga 5-10 minutes. Nanginginig ako noon, ang lamig ng buong kamay ko at paa ko. Sabi ko, sige lakasan ng loob, so kinompose ko sarili ko bumalik ako tapos sabi ko, ‘sige yes.’ Tapos si Danica parang in doubt sila feeling nila, ‘Tin baka napilitan ka lang?’”

Naikuwento rin ni Oyo na ang ipinangpagawa niya ng engagement ring ni Tin ay last money na niya sa bangko as in nag-zero balance siya.

Ano nga ang nagustuhan ni Oyo kay Kristine, “What you see is what you get, harap o likod ng camera. Hindi siya showbiz!”

Say naman ni Tin, “Sa lahat ng nakilala ko, grabe ang prinsipyo saka integrity niya. Sabi ko, God ganito ‘yung kailangan ko sa buhay, ‘yun talaga ang top sa list.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eleven years nang kasal sina Oyo at Tin at may lima na silang anak — sina Kiel, Ondrea, Kaleb, Marvic at Vittorio Isaac.

Oyo Boy ibinandera ang pagmamahal kay Kristine

Kristine kay Oyo: Gwapo ka sa lahat…ang sarap mong kasama sa buhay, I love you so much!

Kristine kumasa sa bagong challenge; may pa-tribute kay Oyo at sa 4 na anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending