2022 Chinese New Year Horoscope ngayong Year of the Water Tiger | Bandera

2022 Chinese New Year Horoscope ngayong Year of the Water Tiger

Therese Arceo |February 01,2022
facebook
share this

2022 Chinese New Year Horoscope ngayong Year of the Water Tiger

Therese Arceo - February 01, 2022 - 06:48 PM

2022 Chinese New Year Horoscope ngayong Year of the Water Tiger

GONG Xi Fa Cai, mga ka-Bandera! Ngayong Year of the Water Tiger, narito ang ilan sa mga prediksyon ukol sa ating Chinese zodiac signs mula sa feng shui expert na si Hanz Cua.

YEAR OF THE RAT

(1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020)

ALLIES: Dragon at Monkey

LUCKY COLORS: Blue at Red

LUCKY NUMBERS: 8 at 6

Very promising ang taong ito para sa mga ipinanganak ng Year of the Rat! Maganda ang magiging pasok ng pera para sa ‘yo basta maging hands on ka lamang mapatrabaho o negosyo. Ito rin ang magandang oportunidad para magsimula ng negosyo.

Sa aspeto naman ng pag-ibig, kailangang matutong magbalanse ng oras kahit na busy sa pagtatrabaho. Tandaan, consistency is the key pa rin pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Kinakailangan namang bantayan ng mga ipinanganak sa Year of the Rat ang kanilang mga karamdaman na may kinalaman sa chest, lungs, at kidneys.

YEAR OF THE OX

(1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009, 2021)

ALLIES: Snake at Rooster

LUCKY COLORS: Gray at Green

LUCKY NUBERS: 18 at 1

Nasa iyo ang money star kaya paniguradong mag-uumapaw ang pagdating ng kwarta ngayong taon ng Water Tiger. May chance rin na maging malaking tagumpay ang negosyo at trabaho basta ipagpatuloy ang pagiging innovative. Magkakaroon ka rin ng career promotions lalo na sa mga buwan ng July, September, at October.

Sakaling maharap sa malaking problema, kumapit sa mga taong alam mong tunay na mapagkakatiwalaan.

Sa pag-ibig naman ay paniguradong magiging masaya ang love life mo at ito na ang perfect timing para humanap ng dyowa.

Sa aspeto ng kalusugan ay kinakailangang mag-ingat sa mga sakit na may kinalaman sa lungs, tiyan, reproductive system pati na rin ang eye injury. Mag-ingat rin sa asthma at allergies.

YEAR OF THE TIGER

(1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010, 2022)

ALLIES: Horse at Dog

LUCKY COLORS: Pink, Blue, at Yellow

LUCKY NUMBERS: 8 at 1

Mag-ingat sa backstabbers! Katulad ni Ox, nasa iyo ang opportunity at money hack. Maging hands on sa trabaho pati na rin sa negosyo.

Magiging maganda rin ang taon na ito dahil nasa iyo rin ang love star. Maging mapagpasensya rin sa mga partner at subukang babaan ang expectation para hindi masyadong ma-disappoint.

Pagdating sa kalusugan ay dapat mag-ingat sa mga sakit na may kinalaman sa puso. Dagdagan rin ang cardio exercises.

YEAR OF THE RABBIT

(1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 199, 2011)

ALLIES: Pig at Sheep

LUCKY COLORS: Violet at Peach

LUCKY NUMBERS: 2 at 9

Mag-prepare sa posibilidad ng pagdating mga problema ngayong Year of the Water Tiger. Tatagan ang loob at suriin nang maayos ang goals for this year. Maging maingat rin at basahing mabuti ang mga dokumento bago ito pirmahan para makaiwas sa mga court cases at conflicts.

Matuto namang habaan ang pasensya dahil prone ka na magkaroon ng mga misunderstandings sa iyong partner at be careful rin sa mga salitang binibitawan.

Mag-meditate rin at matulog nang sapat na oras.

YEAR OF THE DRAGON

(1928, 1940, 1953, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012)

ALLIES: Rat at Monkey

LUCKY COLORS: Green, Orange, at Blue

LICKY NUMBERS: 9, 3, at 5

Magiging maganda ang taong ito para sa ‘yo. Malakas ang iyong karisma kaya paniguradong mataas ang iyong sales. Maging masipag sa pagtatrabaho. Iwasan ang mga mental at physical stress pra sa mas masayang buhay.

This year ay activated ang iyong love star kaya naman it’s time to mingle and socialize. Para sa mga may partners, ito ang best time para magpakasal.

Mag-ingat naman sa leg injuries, pati na rin sa mga sakit na may kaugnayan sa uric asid at sa tenga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Inquirer (@inquirerdotnet)

YEAR OF THE SNAKE

(1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)

ALLIES: Ox at Rooster

LUCKY COLORS: Aqua, White, at Pink

LUCKY NUMBERS: 7,3, at 8

Bongga ang Year of Water Tiger para sa ‘yo!

Activated ang inyong examination luck star kaya galingan mo at sure na ika’y makakapasa. May mga nakaabang rin mg promotion sa ‘yo lalo na sa buwan ng October. Maging active at mas makipag-socialize.

Activated rin ang iyong love star kaya ito na ang sign para magkaroon ng dyowa. May chance na mahanap mo na ang iyong soulmate. Ito rin ang magandang taon para magpakasal at mag-settle down.

Magkaroon ng sapat na tulog at bantayan ang posibleng eye injury this year.

YEAR OF THE HORSE

(1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014)

ALLIES: Tiger at Dog

LUCKY COLORS: Beige, Red, at Blue

LUCKY NUMBERS: 7,2, at 1

Kinakailangan mong ayusing maigi ang iyong long-term goals at dagdagan pa ang sipag at tiyaga para sa matagumpay na negosyo at career.

Ito rin ang best time para magpakasal at magka-baby.

Maganda ang magiging lagay ng iyong kalusugan ngayon. Dagdagan rin ang cardio exercise at bantayan ang blood pressure.

YEAR OF THE SHEEP

1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015)

ALLIES: Pig at Rabbit

LUCKY COLORS: Orange, White at Yellow

LUCKY NUMBERS: 9, 15, at 18

Ingatan ang inyong investments. Mag-set rin ng goal plans para ma-enhance ang kanilang carerr luck.

Kinakailangan mo ring bantayan ang iyong kalusugan. Magsimula nang mag-invest o kumuha ng medical insurance.

Prone ka rin sa emotional issues. Maging bukas sa komunikasyon at umiwas sa office romance.

YEAR OF THE MONKEY

(1032, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016)

ALLIES: Dragon at Rat

LUCKY COLORS: Maroon, Blue at Red

LUCKY NUMBERS: 9, 16 at 3

Conflict year ang taong ito para sa ‘yo. Hindi ito ang panahon para maging agressive ka sa mga desisyon mo sa buhay. Pag-isipang mabuti ang desisyon kung makakatulong nga ba ang bawat oportunidad na darating sa ‘yo. Hindi magandang ideya ang mag-resign o sumubok magnegosyo. Stay humble.

May health issues rin ang taong ito kaya siguraduhing pumunta agad sa hospital at sunding maigi ang mga payo ng mga doktor. Mag-ingat sa banta ng diabetes, asthma, at high cholesterol.

YEAR OF THE ROOSTER

(1933, 1945, 1057, 1960, 1981, 1993, 2005c 2017)

-ALLIES: Ox at Snake

LUCKY COLORS: Pink, Blue, Green

LUCKY NUMBERS: 9, 6, 1

May mga magagandang darating ngayon para sa ‘yo ngunit mag-ingat sa mga taong pagkakatiwalaan para makaiwas sa scam.

Maging mapagmatiyag rin sa inyong lovelife dahil prone ka na maloko pagdating sa pag-ibig.

Maging careful naman sa mga sakit na may kinalaman sa puso, lalamunan, at digestive health. Sikaping magpunta sa doktor pra maagapan agad ang isyu sa kalusugan.

YEAR OF THE DOG

(1934, 1946, 1959, 1070, 1982, 1994, 2006, 2018)

ALLIES: Horse at Tiger

LUCKY COLORS: Gold, Green, at Red

LUCKY NUMBERS: 2 4, at 9

Bongga ang hatid sa ‘yo ng taong ito. Pangalawa ang mga year of the dog sa mga pinakamaswerte this year. Maging bukas sa mga oportunindaf at sigurado ang success sa career at pera.

Sa lovelife naman ay matutong supportahan ang partner, sa mga single naman ay may chance na magkaroon ng love at first sight.

Mag-ingat sa mga sakit na may kinalaman sa chest pain, back pain, at leg injury.

YEAR OF THE PIG

(1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019)

ALLIES: Rabbie at Sheep

LUCKY COLORS: Pink, Red, Green

LUCKY NUMBERS: 9 at 1

Masuwerte ka ngayong taon dahil ikaw ang secret friend ng tiger. Strong ang opportunity at money star mo kaya promising ang taong ito para mag-open ng business at may career promotion basta’t dagdagan ang sipag at tiyaga.

Para sa mga single, maaari mo ring mahanap ang iyong true love ngayong taon. Mainam naman ang panahong ito para magpakasal.

Sa kalusugan naman ay kinakailangang bantayan ang brain injuries, back pain, diabetes, at allergies.

Tandaan na ito lamang ay mga gabay at prediksyon mula sa astrological signs na maaring makatulong sa ating pamumuhay upang makapag-attract ng positive energies at good fortune.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa ating determinasyon, sipag, tiyaga , at pagiging mabuting tao pa rin nakasalalay ang ating kapalaran.

Related Chika:
#Ariba2022: Maswerte ka ba ngayong Year of the Tiger?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending