#Ariba2022: Maswerte ka ba ngayong Year of the Tiger? | Bandera

#Ariba2022: Maswerte ka ba ngayong Year of the Tiger?

Ervin Santiago |February 01,2022
facebook
share this

#Ariba2022: Maswerte ka ba ngayong Year of the Tiger?

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 12:01 PM

Hanz Cua

“GONG xi fa cai!” “Kung Hei Fat Choi!” “Happy Chinese New Year!”

Special non-working holiday ngayong araw, Feb. 1, 2022 dahil ipinagdiriwang nga sa buong bansa ang Chinese New Year. 

Kaya sa lahat ng mga nagtatanong kung ano ang inyong magiging kapalaran ngayong Chinese New Year, ibabahagi namin ang “Horoscope Forecast” (for today) ng sikat na sikat at isa sa most trusted feng shui expert na si Master Hanz Cua.

Nabasa namin ito sa kanyang official Facebook page kung saan nagbabala pa siya sa madlang pipol sa mga fake accounts at poser na gumagamit sa pangalan at litrato niya sa social media.

*RAT

“Mag-display ng 12 na prutas signifies 12 months na taon masagana. Para sa swerte mo, may business luck star na nag aantay saiyo. Magandang araw ito upang magpasalamat sa mga taong tumutulong sa iyo. Para sa money aspect, huwag maging negatibo, may bagong cliente ang magiging loyal sa iyo.

“Para naman sa love magsuot ng rose quarts. Makipag-ayos o humingi ng paumanhin para sa taong nakagalit mo. Sa kalusugan, unhealthy star ay nasa chart mo umiwas sa madalas na pagkain ng matatamis (Pink, 13).”

*OX

“Pagdating sa scam star ito ay dapat iwasan. Huwag muna maniwala sa kanyang matatamis na salitang binibitawan. Sa swerte hindi mo man makuha ang gusto hueag paghinaan ng loob mas lalong pagigihin pa.

“Sa money espect. Iwasan ang  paggastos ng pera sa mga want mo lamang. Mas unahin ang mga needs. Sa pagibig, misunderstanding lang ang dahilan ng away niyo. Pagdating sa kalusugan, healthy star ay activated saiyo. Magsuot ng black onyx sa kaliwang kamay upang makaiwas sa negative energy (Red, 9).”

*TIGER

“Sa swerte, huwag agad agad magdesisyon lalo na kung ikaw ay malungkot  upang maiwasan ang pagkakamali o pagsisisi.

Sa health, unhealthy star ay nasa iyo kailangan mo ng wu lou cure for illness star. 
“Sa lovelife mag display mandarin love duck. Iwasan ang  hurtful words star na, maging kalmado iwasan ang mainitin ang ulo. 

“Sa pera aspect, madali ang gumastos, simulan mo na ang magipon upang may maidudukot.
Magpa-tarot card reading kung ikaw ay naguguluhan para sa lovelife o buhay mo (Silver, 11).”

*RABBIT

“Conflict day. Iwasan ang magpalipat-lipat ng bahay sa araw na ito. Mag-focus na muna sa iisang gawain dapat na mas pagbutihin pa upang makamit ang pinapangarap. Hindi mo kailangan mag makaawa sa iba upang mahalin at tanggapin ka nila know your worth.

“Sa pera aspect magandang ang pasok ng business star saiyo. Pagdating sa lovelife, may bago kang makikilala panahon na upang mag move on sa mga bagay na hindi na maaring maibalik.

“Sa kalusugan, iwasan ang maaalat na pagkain dahil unhealthy star ay activated. Magsuot ng rose quartz sa kaliwang kamay para ss loveluck star (Aqua, 2).”

*DRAGON

“Sa pag-ibig, bibigyan ka niya ng pagkakataon upang mabigyan  iparamdam ang iyong tunay na nararamdaman.

“Sa kalusugan, mas mainam na magpa punta na ng doctor agad huwag na patagalin pa ang nararamdaman. Sa money aspect may money lost star sa araw na ito.

“Mag-ingat sa mga bibitawang masasakit na salita hurtful words star ang nasa chart mo, siya ay makakatampuhan mo. Para sa property, bahay, store magpa frng shui muna para sa ground breaking ritual (Gold, 8).

*SNAKE 

“Kailangan niyo ng pagtutulungan upang mairesolve ang problema. Pagdating sa money aspect, iwasan ang paglapag ng pera kung saan saan lang. Mas unahin ang mga bagay na kailangan.

“Sa lovelife, third-party star ay nasa chart mo today. Sa kalusugan, itigil na ang bisyo dahil pagsisisihan mo ito sa huli. Magsuot ng jade Buddha sa kaliwang kamay para sa good luck star (Blue, 1).”

*HORSE 

“Huwag mo na hayaan masira pa ulit ang iyong magandang plano sa swerte, doblehin mopa ang sipag at diskarte sa buhay. Sa money aspect mahihirapan kang magipon kung hindi ka marunong magtabi. Sa kalusugan,  mag ehersisyo at magpapawis sa umaga ang iyong kailangan. 

“Matindi ang iyong pananampalataya, ang iyong karamdaman ay gagaling din. Healing star ang nasa chart mo (Pink, 4).

*GOAT

“Iwasan ang maraming reklamo, mas mainam na gawin na lamang ang gawain at nararapat. Sa money aspect, pahalagahan kung ano ang ang andyan. Mag-iingat sa theft star. Huwag kalimutan na idouble lock ang pinto ng bahay niyo.

“Sa kalusugan medyo mahina ang iyong lungs, agad na ito magpatingin  sa doctor. Pagdating sa pag-ibig suportahan ang bawat isa iwasan ang palaging away. Magsuot ng black onyx upang makaiwas sa negative star (White, 6).”

*MONKEY

“Bawal ang mag display ng tiger may  conflict ito. Sa swerte, maganda ang araw na ito para sa iyong sisimulan na negosyo. Sa lovelife, mahirap kung magiging torpe ka nalang. 

“Sa money star, medyo mahina ang diskarte mo na yan kailangan mo pang pagisipan. Sa kalusugan, maganda ang health star mo sa araw na ito. Madaling sabihin ngunit mahihirapan kang gawin ito. Pagdating sa travel star,  dahil sa work o business mag ingat sa money lost. Magsuot ng turquoise lucky charm para sa safety luck star (Brown, 3).

*ROOSTER

“Ikaw ang pinakaswerte today! Maging positive thinker ka lang sa lahat. Sa kalusugan,  ang good health star ay nasa chart mo. Sa money aspect, mas magiging malago ang business kung ito ay tututukan mo. Pagdating sa lovelife, may magandang balita siya sa iyo! 

“Pagdating sa mga dapat mong tapusin ito ay matatapos mo rin at sisipagin ka sa araw na ito (Gray, 16).

*DOG 

“Sa lovelife, hindi man naging kayo, may taong nakalaan saiyo at tunay na magbibigay ng ligaya. Sa kalusugan, ingatan ang iyong heart, alagaan at ingatan ito. 

“Sa money aspect maglagay ng jade buddha lucky charm. Huwag madaliin ang bawat araw. I-enjoy ang mo lamang huwan pansinin ang mga taong  may ayaw sa iyo. Mag-display ng tiger lucky charm (Peach, 7).

*PIG 

“Huwag na munang gagalawin ang isang property, ipa-ground breaking ritual ito mula sa isang feng shui expert. Sa lovelife aspect madali lang sa iyo ang magpatawad. Sa money star maging wais sa pag gastos ng iyong pinaghirapan. 

“May bagong career kang hahawakan, i-grab ang magandanh opportunity na (Orange, 19).”

Muling paala ni Master Hanz, ang mga ito ay gabay, patnubay, fortune forecast reading lamang at  nakasalalay pa rin sa inyong mga kamay ang inyong tagumpay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Feng Shui Master Hanz Cua (@masterhanzcua)

Chito wais din sa pera, tuluy-tuloy ang kita kahit hindi na magbanda

B-day surprise ni Kiray para sa ina bentang-benta: Kabog ‘tong lechon money pulling!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending