#SeyengNemen: Paghihiwalay ng kilalang aktor at dyowa nagsimula lang sa asaran at pikunan | Bandera

#SeyengNemen: Paghihiwalay ng kilalang aktor at dyowa nagsimula lang sa asaran at pikunan

Reggee Bonoan |January 31,2022
facebook
share this

#SeyengNemen: Paghihiwalay ng kilalang aktor at dyowa nagsimula lang sa asaran at pikunan

Reggee Bonoan - January 31, 2022 - 11:28 AM

Mahulaan n’yo kaya kung sino sila?

“NAGPAPALAMIG lang sila, pareho pa kasing mainit.”

Ito ang sagot ng aming source tungkol sa isang kilalang aktor na nahiwalay sa kanyang girlfriend nitong nakaraang taon.

Ayon sa aming source, nagsimula lamang sa asaran at pikunan ang kanilang hindi pagkakaunawaan hanggang sa lumalim na nang lumalim at nauwi na nga sa hiwalayan.

“Away-bati sila minsan ilang araw umaabot hindi nag-uusap, kung baga tumagal hanggang sa hindi na nag-usap nang ilang linggo na,” simulang kuwento ng aming source tungkol sa magkarelasyon.

“Simpleng pikunan lang na umabot sa sumbatan kasi pareho na pala silang napuno na. Hindi nailabas hayun sumabog. Feeling ko magkakaayos pa sila,” dagdag pa ng kausap namin.

Masyadong pribado raw kasi ang aktor pagdating sa personal niyang buhay na hangga’t maari ay ayaw niyang nalalaman ng publiko kung ano siyang klaseng boyfriend o husband to be sa girlfriend niya.

“E, kasi naman ang lola mo makuwento kapag tinatanong siya mega kuwento talaga. E, ayaw ni _____ (aktor) ng ganu’n. Kilala mo naman ‘yun kelan ba naging madaldal ‘yun,” sabi pa ng aming source.

May ilang kaibigan daw ang aktor na kinakausap siya at nagsa-suggest na makipag-ayos na sa girlfriend niya dahil in fairness, boto naman ang lahat ng friends niya doon sa girl.

“Nag-iisip-isip naman si _____ (aktor), pero siyempre hindi naman minamadali ‘yun. Alam mo na,” sabi pa ng aming source.

Nabanggit ding isa rin sa dahilan ng pag-aaway ng magkarelasyon ay ang pagiging selosa ng girlfriend ni aktor na wala naman daw sa lugar.

“E, gwaping naman kasi lolo mo plus magaling pang makisama,” tsika pa ng aming source.

Mukhang may pag-asa naman daw na magkaayos pa ang couple na ito dahil pina-follow pa naman nila ang isa’t isa sa kani-kanilang social media account.

Talagang isa na sa pamantayan ngayon kung hiwalay na o hindi pa ang mga showbiz couple ang pagpa-follow nila sa social media.

Kilalang female celeb mukha na raw ‘padede mom’ dahil sa bagsak na boobs

Paolo pangarap makagawa ng pelikula kasama ang utol na si Marco: Sobrang excited ako na makatrabaho siya


                                                                

Rica natakot para sa mga anak habang nakikipaglaban sa COVID

                                                                 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending