Hashtag Wilbert parang kabayo kapag nagmahal ng babae; naka-relate kay Boy Bastos
Wilbert Ross at Rose Van Ginkel
PARANG “kabayo” raw kung magmahal at makipagrelasyon ang Hashtag member at aktor na si Wilbert Ross.
Ito ang diretsong inamin ng Kapamilya actor-singer at songwriter sa nakaraang online mediacon ng kanyang first title-role movie, ang “Boy Bastos” under Viva Films.
Dito, talagang game na game na raw na sumabak sa hubaran at pakikipag-love scene ang binata.
Tinanggap daw niya agad ang project dahil nagustuhan niya ang kanyang karakter bilang si Felix Bacat Cabahug, “Nu’ng nabasa ko yung script, tinanggap ko nang buo ang karakter ni Felix Bacat kasi alam kong maganda ang project.
“Kinabahan ako sa mga sex scene bilang Felix at bilang Wilbert. Parang kinakabahan ang karakter ni Felix, kinakabahan din si Wilbert.
“Oh my God! Magpapakita na ako ng mga kung anu-anong bagay. Makikita ng nanay at tatay ko, parang ganoon ang nasa isip ko.
“Pero satisfied ako sa ginawa ko. Wala akong regrets dahil alam kong kailangan siya sa eksena.
“Yung mga nakitang paghuhubad, merong purpose kung bakit ko ginawa, so walang reason para tanggihan ko ang Boy Bastos,” pahayag ni Wilbert.
Pagmamalaki pa niya sa bago niyang pelikula, “Maganda ang script, maganda ang karakter, maganda lahat. Yun ang mga dahilan kaya hindi ako nag-doubt kahit konti man lang.”
Samantala, kung matapang ay agresibo ang karakter niya sa “Boy Bastos”, ganito rin daw si Wilbert sa totoong buhay at ikinumpara pa ang sarili sa isang kabayo.
“Naka-relate ako sa pagiging mapusok ni Felix, may pagkamanyakis, ay, pagkamanyakis, mapusok lang pala.
“Pero kapag na-in love sa isang tao, nagiging parang kabayo ako na walang makitang ibang babae sa harap ko,” natatawang chika pa ni Wilbert.
View this post on Instagram
* * *
Ano ang mangyayari kapag nagsama ang isang “malib*g” na teenager at sexy teacher sa iisang bahay? Yan ang sasagutin ng bagong coming-of-age comedy film ng Viva Films, ang “Boy Bastos”.
Makakatambal dito ni Wilbert ang sexy actress na si Rose Van Ginkel, with Jela Cuenca, Andrew Muhlach, Bob Jbeili at Rob Guinto.
Si Felix (Wilbert) ay binansagang “Boy Bastos” sa kanilang eskwelahan. Isa siyang malib*g pero virgin na mahilig mag-drawing ng kabastusan sa kanyang notebook.
Si Cathy (Jela) naman ay ang kanyang girlfriend na handa nang ibigay ang kanyang virginity sa kanyang nalalapit na birthday. Hindi niya talaga type si Cathy, kaya naman mahihirapan siyang ma-arouse nang subukan nilang mag-sex.
Makikilala naman ni Felix si Katey (Rose Van). Siya ang substitute teacher nila sa Biology, na nagkataong magiging housemate niya pala. Ipapaalala ni Katey na wala dapat makaalam sa campus na sa iisang bahay lang sila nakatira. Unti-unti ay mahuhulog ang loob ni Felix kay katie na siyang magiging teacher niya sa life at sa sex 101.
Ang “Boy Bastos” ay idinirek ni Victor Villanueva, ang batang direktor na siya ring nasa likod ng award-winning at cult-favorite na “Patay na si Hesus.”
Mapapanood na ang pelikula nina Wilbert at Rose Van simula sa Feb. 18, sa Vivamax.
https://bandera.inquirer.net/301107/wilbert-umapela-sa-kumu-voting-sa-pbb-marami-pang-pamilya-na-mas-nangangailangan-ng-tulong
https://bandera.inquirer.net/297957/aj-raval-napaiyak-sa-presscon-hindi-ako-nagsinungaling-pero-na-judge-pa-rin-ako
https://bandera.inquirer.net/291142/aljur-pinasok-ang-online-selling-vice-may-banat-sa-mga-bastos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.