Vicki Belo may bonggang pa-birthday kay Francine Diaz Bandera

Vicki Belo may bonggang pa-birthday kay Francine Diaz

Therese Arceo |January 28,2022
share this

Vicki Belo may bonggang pa-birthday kay Francine Diaz

Therese Arceo - January 28, 2022 - 02:34 PM

Vicki Belo may bonggang pa-birthday kay Francine Diaz

SINORPRESA ni Vicki Belo ng isang “Encanto” themed birthday celebration ang aktres na si Francine Diaz para sa kanyang ika-18th birthday.

Sa kanyang Instagram post ay makikita ang kanilang dance video ng kantang “Give It Up” ng KC & The Sunshine Band bilang pag-celebrate ng “Aquarius season”.

“Aquarius season with my fellow borthday girl @francinediaz,” saad ni Dra. Vicki.

“Did we get that right @nianaguerrero?” dagdag pa niya.

Hango kasi ang sayaw nila sa ginawang dance cover ng social media influencer.

Samantala, ibinahagi rin ng anak ni Dra. Vicki na si Scarlet ang larawan nila ng kanyang Ate Francine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)

“We turned our house into Casita Belo (like the one in the movie Encanto) for ate @francinediaz birthday,” saad niya.

Ilan naman sa mga Kapamilya stars na nakasama ag nakatrabaho ng aktres ang bumati sa kanyang kaarawan gaya na lamang nina Angela Ken, Melai Cantiveros, Dimples Romana, Jake Ejercito at ng ka-love team nitong si Kyle Echarri.

Unang nakilala si Francine sa TV series na “Kadenang Ginto” kung saan gumanap siya bilang si Cassandra Mondragon.

Dito ay nakasama niya sina Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes na later on ay tinawag na “God Squad”.

Kamakailan lang nang maging laman ng balita ang dalaga matapos mag-viral ang kanilang family picture noong New Year kung saan kasama nito ang kaibigang si Seth Fedelin.

Marami ang na-curious kung bakit kasama ng dalaga na mag-celebrate ng Bagong Taon ang binata lalo pa’t ang alam ng tao ay si Andrea Brillantes ang kanyang ka-love team.

Pinili naman ng kampo ni Francine na manatiling tahimik ukol sa isyu kaya mas naman mas marami ang nagtaka kung totoo ba ang balita na may relasyon sila ng binata.

Matapos ang ilang araw matapos pumutok ang isyu ay nilinaw naman ng manager ng dalaga na nanligaw si Seth sa kanyang alaga.

Related Chika:
Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending