Tom Rodriguez, Carla Abellana nag-follow ulit sa Instagram ng isa’t isa
PAYAPA na ang pakiramdam ng mga supporters ng mag-asawang sina Tom Rodriguez at Carla Abellana matapos makitang naka-follow nang muli sa Instagram ang dalawa.
Naging usap-usapan ang dalawa nitong Martes, January 25, matapos mamataan ng mga netizens ang pag-unfollow nila sa account ng isa’t isa.
Dumagdag pa sa isyu ang cryptic video post ni Tom patungkol sa tila couple na nagkakasagutan at tila naghihiwalay.
Ito ay mula sa Japanese anime series na “Cowboy Bepop”.
View this post on Instagram
Sabi ng karakter na si Faye sa video, “Now you’re living just like that? Why you need to go? Where are you going?”
“I’m going to find real life, real life,” sey naman ng lalaking karakter na si Spike.
May mga linya rin gaya ng “I’m not going there to die. I’m going to find out if I’m really alive.”
Una nang naisulat dito sa Bandera ang chika na diumano’y hiwalay na ang dalawa matapos ang engrandeng kasal nila sa Tagaytay noong Oktubre 2021.
Ngunit bago pa man maganap ang kasalan ay pitong taon nang magkarelasyon ang dalawa.
View this post on Instagram
May mga chika ring kumakalat na isang aktres rin ang diumano’y dahilan kung bakit nahaharap sa matinding dagok ang relasyon ng dalawa.
Bagamat nag-follow na silang muli sa isa’t isa ay nananatiling tahimik naman ang dalawa ukol sa isyung ibinabato sa kanila.
Bukas naman ang Bandera para sa pahayag nina Tom at Carla ukol sa isyung ito.
Related Chika:
#Anyare: Carla Abellana, Tom Rodriguez in-unfollow sa IG ang isa’t isa, naghiwalay na nga ba?
Carla Abellana, Tom Rodriguez engaged na…last year pa!
Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.