EDU: Aanhin ang bahay na bato kung wala namang wifi dito!? | Bandera

EDU: Aanhin ang bahay na bato kung wala namang wifi dito!?

Ervin Santiago - September 16, 2013 - 03:00 AM

Binago at muling binuhay ng batikan at hindi matatawarang TV host-actor na si Edu Manzano ang Pinoy TV landscape noong Sabado ng gabi nang mag-pilot ang pinakabago niyang comedytalk show,What’s Up, Doods? sa TV5.

Matagal-tagal ding na-miss ng fans at televiewers si Edu sa not-so-late-night talk show slot kaya naman tinutukan nila ang pagbabalik nito. Maging si Edu, halatang ganado sa bagong programa.

Sa pilot telecast, may mga bagong pauso at pasabog si Edu. Nariyan ang challenge portion kung saan talagang kinarir niya ang pagiging salon assistant, ha.

Kwela ang ginawa niyang pagsa-shampoo sa isang customer, pagwawalis ng mga ginupit na buhok at pagbu-blow-dry ng girl.
Siyempre, gulat ang mga nagpapa-beauty, dahil hindi nila akalaing si Edu pala ang nagse-service sa kanila.

Engaging, interesting at witty din ang naging takbo ng interview portion sa Boys Night Out at kay Georgina Wilson, na talaga namang lumaban ng Inglesan at pagpapatawa kay Doods.

Marami rin ang nagkagusto sa portions na Praisebook, kung saan isang tindera ang nag-donate ng kalahati ng kanyang panindang turon sa flood victims; at Bwitter, kung saan isang viewer ang nag-bitter-bitter-an at nag-emote na ang pride, sa labada ginagamit, hindi sa isang relasyon.

Anyway, patok din sa manonood ang thought for the night ni Edu bago nagtapos ang What’s Up Doods? Sey ng irrepressible host, “Aanhin ang bahay na bato kung wala namang wifi dito?” Ha-haha!

Samantala, matatandaang unang sumikat si Doods bilang host ng Not So Late Night with Edu sa GMA-7 nu’ng dekada ’80 at Late Night with Edu sa ABC-5 nu’ng early ‘90s.

Taped as live ang dalawang unang episode, pero ang mga susunod, live na live na. “As a host, you always want to put your best foot forward.

We want to go live because unpredictability is very important thing in a talk show.  You have no control of what will happen so you have to learn how not to look too shocked if something happens that you don’t expect.”

Isa ang legendary Pinoy rock icon na si Pepe Smith sa magiging guests ni Edu sa mga susunod na episode ng What’s Up, Doods?”
Tagahanga pala ni Joey ang TV host-actor kaya masayang abangan kung ano ang kanilang pag-uusapan at magiging pakulo sa bagong kinagigiliwang comedy talk show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutok na at huwag bibitiw tuwing Sabado ng gabi sa What’s Up, Doods?, 9 p.m. sa TV5. Siyanga pala, para sa amin mas magaling pa ring mag-host si Edu kesa sa anak niyang ai Luis Manzano, yes, ibang klase ring TV host si Luis, pero parang kulang pa rin ang powers niya kumpara sa magic ng kanyang ama. Agree ba kayo?

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending