Sid Lucero naloka sa pinaggagawa ni Paolo Gumabao sa 'Silip Sa Apoy', wala nang hiya-hiya sa paghuhubad Bandera

Sid Lucero naloka sa pinaggagawa ni Paolo Gumabao sa ‘Silip Sa Apoy’, wala nang hiya-hiya sa paghuhubad

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Sid Lucero naloka sa pinaggagawa ni Paolo Gumabao sa ‘Silip Sa Apoy’, wala nang hiya-hiya sa paghuhubad

Ervin Santiago January 23, 2022 - 07:50 AM

Paolo Gumabao, Angeli Khang at Sid Lucero

KAHIT ang award-winning actor na si Sid Lucero ay na-shock sa pinaggagawa ni Paolo Gumabao sa latest sexy-drama Vivamax original movie na “Silip Sa Apoy”.

Maraming pasabog na eksena si Sid sa pelikula na idinirek ni MacArthur Alejandre pati na ang mga co-stars nilang sina Jela Cuenca at Angeli Khang na palaban din sa hubaran.

Sa ginanap na online mediacon ng “Silip Sa Apoy” nabanggit nga ni Sid na naloka sila sa mga ipinagawa ni Direk Mac kay Paolo na game na game namang sinunod ng sexy actor at half-brother ni Marco Gumabao.

Sinang-ayunan naman ito ni Direk Mac at sinabing talagang masa-shookt ang manonood sa kanilang pelikula na mula sa panulat ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee.

“Maloloka sila kapag pinanood nila. Maloloka talaga sila kapag nakita nila.

“Isipin na lang ninyo, kapag yung karakter ni Paolo na si Alfred, e, naninilip at yung sinisilip niya, yung nakikita niya sa paninilip niya, e, very graphic na sex act.

“Anong gagawin niya habang sumisilip siya? So yun lang muna ang masasabi ko,” ang bitin pang pahayag ng direktor.

Hindi kasi makapagkuwento si Paolo tungkol sa nasabing mga eksena para iwas-spoiler, basta aniya, siguradong magmamarka ang mga ito sa manonood.

Sa isang panayam, sinabi ni Paolo na handa niyang gawin ang lahat para sa ikagaganda ng pelikula kabilang na nga riyan ang paghuhubo’t hubad at pagpapakita ng kanyang pagkalalaki.

“Ang importante sa akin right now is accepting challenging roles and these daring roles right now where I have to show off some skin, it’s not only about showing skin. It takes a lot of focus to be butt naked and then still be able to act.

“These roles na nabibigay sa akin, I’m really thankful kasi, they’re really pushing me to my limits and I’m being pushed outside of my comfort zone, which is a good thing.

“If you’re not being pushed outside of your comfort zone then you’re not learning as much. So, I’m very happy na ganu’n yung mga roles na nakukuha ko ngayon,” pahayag pa ni Paolo.

Sid Lucero naranasan nang makipag-sex sa loob ng kotse; Nathalie Hart na-shock: OMG! You’re so wild!

Netizens na-shock, nabastusan sa pa-survey ni Nikko; pero marami pa ring nag-join

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending