Ellen Adarna, Derek Ramsay may pre-nup agreement nga ba? | Bandera

Ellen Adarna, Derek Ramsay may pre-nup agreement nga ba?

Therese Arceo - January 22, 2022 - 11:30 AM

Ellen Adarna, Derek Ramsay may pre-nup agreement nga ba?

BINASAG na ng aktres na si Ellen Adarna ang kanyang katahimikan at minabuting sagutin na ang tanong ng netizens tungkol sa kanilang relasyon ng asawang si Derek Ramsay.

Marami kasi sa mga netizens ang curious kung nagkaroon nga ba ng pre-nup agreement ang dalawa bago sila ikasal.

Nitong Huwebes, January 20, ay nagkaroon si Ellen ng Intagram story kung saan pinayagan niya ang madlang pipol na magpadala ng mga tanong na sasagutin niya.

Isang netizen naman ang naglakas loob na magtanong ukol dito.

“I know both you and your husband are well off but did you guys ever consider pre-nup agreement?” tanong ng netizen.

Nagdesisyon naman si Ellen na sagutin ito marahil ay para matapos na rin ang pangungulit sa kanya.

Aniya, masyadong personal ang tanong ngunit lagi nga niya itong natatanggap mula sa iba’t ibang tao.

“So, let’s put it this way. Dili ko lugi ni Derek ug si Derek di sad lugi nako (Hindi ako lugi kay Derek at si Derek ay hindi rin lugi sa akin). So, patas ang show,” diretsahang sagot ni Ellen.

True naman ito dahil parehas namang nanggaling sa mayamang pamilya sina Derek at Ellen.

Sa katunayan ay kilala ang pamilya nina Ellen hindi lang sa Cebu kundi pati na rin sa Davao, Cagayan de Oro, at Metro Manila dahil sa reql-estate business nito pati na rin sa mga chain of hotels na kanilang pagmamay-ari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Samantala, si Derek naman ay marami na ring naipundar sa kanyang pag-aartista at bukod rito, mayaman rin ang kanilang pamilya at may malaking security business rin ang ama ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unang umugong ang chika patungkol sa kanilang relasyon noong January 2021 kung saan may ilang mga netizens na rin ang nakakakita na nagkakasama ang dalawa.

Marso 2021 nang isiwalat nina Derek at Ellen ang kanilang engagement at ikinasal rin noong Nobyembre ng kaprehong taon.

 

Related Chika:
Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin
Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending