Xian Gaza nais bilhin ang lupa kung saan nakatanim ang puno ng mangga ni Lolo Narding Bandera

Xian Gaza nais bilhin ang lupa kung saan nakatanim ang puno ng mangga ni Lolo Narding

Therese Arceo |January 21,2022
share this

Xian Gaza nais bilhin ang lupa kung saan nakatanim ang puno ng mangga ni Lolo Narding

Therese Arceo January 21, 2022 - 09:20 PM

Xian Gaza nais bilhin ang lupa kung saan nakatanim ang puno ng mangga ni Lolo Narding

BALAK nag bilhin ng “Pambansang Marites na Lalaki” na si Christian “Xian” Gaza ang lupa kung saan nakatanim kontrobersyal na puno ng mangga na tinanim ni Lolo Narding Flores.

Kamakailan ay nag-viral ang 80-anyos na matanda mula sa Pangasinan matapos siyang arestuhin dahil sa diumano’y pagnanakaw ng sampung kilong mangga.

Nahuli si Lolo Narding noong January 13 sa Brgy. Bantog sa pamamagitan ng isang manhunt operation. Isang linggo ring nanatili sa Asingan Police Station ang matanda bago panandaliang nakalaya kahapon, January 20, matapos itong makapagbayad ng pyansa.

Isa ang social media personality at self-proclaimed “Marites” na si Xian sa mga nainis at naawa sa sinapit ni Lolo Narding.

Nagmula ang pangpyansa ng matanda mula sa naging ambagan ng mga taga-Asingan Police Station.

Ayon sa statement na inilabas ng PIO Asingan, maayos naman ang naging kalagayan ni Lolo Narding habang nananatili ito sa kulungan at inalagaan siyang mabuti ng mga kapulisan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Inquirer (@inquirerdotnet)

Samantala, matapos ang naging paglaya ng matanda ay nag-trending naman ang post ni Xian na may kinalaman sa 80-anyos na lolo.

“Sino ba may-ari ng lupa na ‘yan? Nasa abroad ba? Sa kanya nakapangalan? Naka-SPA ka ba? Magkano per sqm? 100 pesos? 150? Bilhin kp na lang para wala ng issue sa lintek na puno ng mangga na yan,” saad ni Xian.

Bago pa man ang pagpapakita niya ng pagnanais na pagbili ng lupa ay nangako rin siya noon sa lolo sa kanyang social media na siya na mismo ang magbabayad ng pyansa nito sakaling walang tumulong sa matanda sa loob ng isang araw.

Ngunit hindi ito nangyari dahil marami sa madlang pipol ang naantig at nagbigay na ng tulong sa matanda.

Umabot naman sa 31 thousand reactions ag mahigit 700 shares ang post ni Xian.

Related Chika:
Xian Gaza ‘sunog na sunog’ sa KathNiel fans, gusto lang daw gumanti kay Barbie; Daniel umalma sa intriga

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending