Sylvia Sanchez may ‘parinig’ sa mga anak: Hintay na lang talaga ako ng apo ko
TILA nagpaparinig na ang beteranong aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang mga anak.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya na nakaramdam siya ng lungkot nang mapag-alamang mas matangkad na sa kanya ang bunso niyang anak na si Xavi.
“Xavikok my baby no more,” saad ni Sylvia.
Dagdag pa nito, “Hintay nalang talga ano ng apo *ehem ehem ehem* but in the meantime, habang wala pa *ehem ehem ehem* sila Soji, Zola, Lulu, Ellie, Callie, Georgie, Hailey, Matilda and Bucky muna ang mga babies ko.”
Ang mga pangalang nabanggit ni Sylvia ay ang mga alaga nilang aso.
Halata naman na talagang nalulungkot ang aktres base na rin sa reply niya sa isang comment sa kanyang post.
View this post on Instagram
“Bigla akong nalungkot, bukas makalawa wala na mga yan. Di na magpapayakap,” sey ni Sylvia.
Kapansin-pansin namang naka-tag sa larawan si Maine Mendoza na anak ng kanyang anak na si Arjo.
Kaya naman hindi napigilan ng mga netizens lalo na ng suporters ng ArMaine (Arjo Atayde at Maine Mendoza) na mag-comment sa post ni Sylvia.
“Maine at Arjo, nagpaparinig na si mommy,” comment ng isang netizen.
“Maam Sylvia antay lang yun muna g ate ni meng (Maine) ikakasal na sya ngayong 2022 kaya sina Arjo at Meng for sure na sa 2023,” saad naman ng isa pang netizen.
Samantala nitong December lang ay nag-celebrate ng ika-3rd anniversary sina Maine at Arjo.
Kasalan na nga ba ang kasunod para kina Maine at Arjo? Matupad na kaya ang matagal nang hinihiling ni Sylvia na apo? Abangan natin!
Related Chika:
Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw
Dream role ni Sylvia natupad sa Huwag Kang Mangamba: Masarap siyang paglaruan
Maine ipinagtanggol si Arjo matapos tamaan ng COVID: Marami pa kayong hindi alam sa kuwento…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.