MARICEL ipinagtanggol si EUGENE, wala pa raw ‘sakit’ sa ulo
Ipinagtanggol ni Maricel Soriano si Eugene Domingo laban sa mga intrigerang napapalabas daw ng mga kanegahan tungkol sa komedyana-TV host.
Sey ni Maria, si Uge ang klase ng tao na walang masamang tinapay sa kanya, madali raw itong kagaanan ng loob bukod pa sa sobrang professional katrabaho. Wala raw siyanf maipipintas dito.
Magkasama ang dalawa sa pelikulang “Momzillas” ni Wenn Deramas, at doon daw niya mas nakilala pa si Eugene, nagkasama na sila noon sa pelikulang “Bahay Kubo” pero dito raw sa bago nilang project mas naging close sila.
Ramdam ni Maria na sincere si Uge sa friendship nila. Hindi rin totoong yumabang at lumaki na ang ulo ni Uge ngayong malaki na rin ang pangalan nito sa industriya, at ngayong pareho na silang bida sa pelikula.
Sey pa ng Diamond Star, tsismis lang ang kumakalat na isyu na feeling superstar na si Uge. “Si Uge walang ego yan, hindi nagti-trip yan, kasi napaka-professional niyang tao at napaka-dedicated niya sa kanyang trabaho.
Yun ang talagang bilib na bilib ako sa kanya, hindi ako naniniwala na may ganu’n siyang attitude, ako ang makapagpapatunay niyan,” dagdag pa ni Maria.
Siyempre, umaasa si Maricel after “Momzillas” ay magkakasama pa uli sila ni Eugene sa iba pang project, “Kailangan pa namin magtrabaho ng magtrabaho.
Si Eugene kaibigan ko talaga ito dahil nag-umpisa kaming magkatrabaho sa Bahay Kubo, dun pa lang naging close na kaming dalawa.”
Sa parte naman ni Uge, inamin niya na kakaibang challenge na naman ang hinarap niya sa pelikula nila ni Maria, “As an actor kahit sinabi pang ‘Ang dami mo nang ginawa, nahihirapan ka pa,’ natural bakit hindi naman kami robot dito, on-off, on-off, lahat yan raramdamin mo, irere-create mo at tapos ire-relate mo sa pangyayari sa buhay mo, hindi madali ‘yun.”
Sey pa ng komedyana, para raw siyang nag-aral uli habang ginagawa nila ni Maria ang movie, “Parang workshop ngam totoo, kasi ang dami naming tinatapos na eksena eh, 13 sequences, iba’t ibang emotion, parang workshop.
Magca-call time ka pa ng alas otso ng umaga tapos may continuity pa ng damit namin kasi alam niyo pag nagsu-shooting hindi naman ‘yan kung papaano nangyayari sa pelikula, lalaktawin kung ano ‘yung dapat sa eksena, so it is not easy, so I thought it was really like a thesis for us.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.