Vice: Sa gitna ng magagandang nangyayari sa atin, may sumusulpot na pangit, nega at bakulaw | Bandera

Vice: Sa gitna ng magagandang nangyayari sa atin, may sumusulpot na pangit, nega at bakulaw

Alex Brosas |January 20,2022
facebook
share this

Vice: Sa gitna ng magagandang nangyayari sa atin, may sumusulpot na pangit, nega at bakulaw

Alex Brosas - January 20, 2022 - 06:54 AM

Ion Perez at Vice Ganda

SA Amanpulo nag-New Year ang magdyowang sina Vice Ganda at Ion Perez.

“Masaya pa rin siya, kahit paano masaya pa rin siya,” say ni Ion when Vice Ganda asked him kung kumusta ang 2021.

Itsinika ni Ion na may tinamaan ng COVID-19 sa kanyang pamilya.

“Pero kahit ang sama ng maghapon, matutulog at matutulog ka pa rin nang masaya,” say niya.  
The best kay Ion last year ay noong makita niya ang lahat na miyembro ng kanyang pamilya. 

“Ito ‘yung Pasko na na-meet mo sila nang sabay-sabay,” say ng “It’s Showtime” host. 
Vice Ganda said the last quarter of “It’s showtime” gave him hope.

“Feeling ko noong nanumbalik ‘yung energy ni Vhong Navarro, nu’ng nanumbalik ‘yung kumpiyansa niya, nu’ng nanumbalik ‘yung saya sa mata niya, feeling ko ang laki ng epekto sa akin noon.   
 
“Sumasaya ako dahil sa kanya. Kapag sumasaya ako ay mas lalo kong naibibigay ‘yung dapat kong ibigay sa Showtime,” say ni Vice Ganda.  

“Kasi yung 2021, katulad nga ng sinasabi natin ang dami nating dapat ipagpasalamat, tayong dalawa. Ang dami talagang naganap na napakagaganda. Sobrang napakagaganda, pero sa kalagitnaan ng mga pagkakataong ‘yun, sa kalagitnaan ng magagandang pangyayaring yun, may mga sumusulpot na pangit.  May mga sumusulpot na nega, may mga sumusulpot na bakulaw,” say ni Vice.

“Ang daming mga tao na may mga ginawang masama sa atin nu’ng 2021. Ang daming mga tao na may mga sinabing masama sa atin nu’ng 2021. 

“Ang daming mga tao na nag-isip ng masama sa atin nu’ng 2021. But look at us now, we’re waiting for 2022 to come at ang sarap pa rin naman ng pakiramdam natin, maayos pa rin naman ang buhay natin.

“Malusog pa rin naman tayo, maayos ang mga trabaho natin, malusog ang mga mahal natin sa buhay. We’re still blessed and we’re still thankful,” dagdag ni  Vice Ganda.

“Nakakaawa yung mga taong ganu’n ano. ‘Yung oras mo binubuhos mo nang binuhos sa mga taong…kaya lumipas yung mga oras, ‘yung mga opportunities na sana para sayo pero di mo pinansin ng dahil sa amin,” sabi naman ni Ion 

“Ang ganda nu’n. May opportunities kayo na di niyo pinansin. May mga magagandang bagay sana kayo na nakuha pero di n’yo na nakuha kasi busy kayo sa paggawa niyo ng masama para sa aming dalawa. 

“Sana happy kayo ngayon at sana maging okay sa inyo din ang 2022 katulad ng mga magagandang mangyayari saamin sa 2022. Para everyone is happy,” say ni Vice.

“Ang learning ko lang talaga is to just keep on going,” say pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


* * *

Talagang super sosyal ni Heart Evangelista, ha!

Sa kanyang latest Instagram post, ibinandera ni Heart ang kanyang smart mirror. She posted her smart mirror na ayon sa kanya ay isa na ring giant Android phone.

“Mirror, mirror on the wall!”

“Can you guys believe that I actually have a smart mirror at home?! Meet Serena, @lulusmartmirror’s latest smart technology. This giant android phone doubles as an #OOTD mirror and features a 5MP camera. 

“You can even download apps on it! It makes my life so much easier when I’m working at home or trying out new outfits for shoots and endorsements.”

That was Heart’s caption sa kanyang IG post.

Ang smart mirror which Heart flaunted ay ang Lulu Smart Mirror called Serena na nagkakahalaga lang naman ng  P85,000. Ito ay may 32-inch screen display na parang TV na rin. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay may 5 MP front camera, 4 GB RAM, 1920x1080p resolution at 32 GB storage. Of course, marami ang natuwa sa sosyal na mirror ni Heart. Iba rin talaga ang dating nito sa kanyang IG followers.

Katarina Rodriguez inalala ang paghagupit ng bagyong Odette sa Siargao: Ito ang pinakamasakit na naranasan ko…

Boboto ka ba ng pro-China sa 2022 presidential election?

Pandemic hugot ni Daniel: Mas binibigyan ko ngayon ng importansya yung mga bagay na mahalaga sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending