Sa buhay, magkasama naman talaga ang love and lust! — Brillante Mendoza
Brillante Mendoza
SA pananaw ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza ang pelikula ay dapat sumasalamin sa realidad ng buhay.
Tulad ng latest movie niyang “Sisid” na kasalukuyang ipinalalabas sa Vivamax Plus at sa March 18 naman ang regular streaming nito sa Vivamax.
Matindi ang love scenes nina Paolo Gumabao at Vince Rillon na parehong straight guy ang karakter dahil may asawa ang una, si Kylie Versoza at nabuntis naman ng ikalawa ang kasintahan niyang si Christine Bermas.
Pero sa hindi malamang dahilan ay parehong naakit sa isa’t isa sina Paolo at Vince, ano ba ang kulang aa mga kapartner nila? Ito kaagad ang pumasok sa isipan namin habang pinapanood ang “Sisid” sa premiere screening nito kagabi via Vivamax Plus.
Iisipin ng mga manonood na isa sa mga karakter nina Paolo at Vince ang hindi straight. And it could be Paolo dahil nang mabuking siya ng asawang si Kylie having sex with Vince sa labas ng bakuran nila ay talagang super shock siya at pagpasok sa loob ng bahay ay tinanong niya ito, “Bakit hindi mo sinabi, bakit hindi mo sinabi agad?”
Sagot naman ni Paolo, natakot siyang umamin kay Kylie dahil baka iwanan siya. Sa madaling salita siya ang may itinatagong pagkatao na pilit na tinatakasan kaya nag-asawa ng babae.
Realidad naman talaga ang ganitong kuwento ng buhay ng mag-asawa o magkarelasyon na naging dahilan kaya nagkakahiwalay sila.
Maliban na lang kung sa simula palang bago magligawan ay umamin na sa preferences at kung kayang tanggapin malamang magiging masaya ang pagsasama nila tulad ng ibang gays na nagka-asawa’t nagkaanak at one big happy family sila.
Going back to direk Brillante, kinailangang may ipakitang love scene ang dalawang aktor dahil kaya nga sila nagkagustuhan ay dahil may nararamdaman silang lust at susunod lang marahil ang love.
Ayon kay direk Brillante, “Sa buhay, magkasama naman ang love and lust. It’s always going to be there. If we showed that here, that is because that is reality. Para sa akin, films are supposed to mirror reality. As a filmmaker, responsibility ko na maipakita ang totoo sa mga manonood.”
Dagdag pa, “These are good, interesting stories worth telling. May mga sinasabi sila. Hindi ito puro sex lang. No matter how you put it, sex sells.
“We cannot deny the fact that people want to watch sexy films, especially Filipinos, for that matter. ‘Yun talaga ang pinapanood nila, e. But ‘yun nga, these are not just about sex. Parte siya ng pelikula but that is not the focus,” aniya.
Samantala, sa unang pagkakataon ay tumanggap na ng mainstream project ang direktor na nakilala bilang indie director. Pero ngayon, isa na siya sa content provider ng Vivamax na karamihan ay sexy films ang kina-cater dahil ito ang isa sa mga rason kaya umabot sa two million subscribers ang online platform ng Viva Films.
“One thing na nagustuhan ko sa tie-up ko with Viva, ipinagkakatiwala nila sa akin ‘yung kwento at konsepto ng mga proyekto. Hindi sila nakikialam.
“So, as an artist, masaya ako, fulfilled ako. Freedom is important for me, e. That’s what artists are after. Ayaw ng mga artist’s ng nasasakal. And the fact na binibigay ‘to ng isang malaking company like Viva, dapat pangalagaan mo ito. You should be responsible,” kuwento ni direk Brillante.
https://bandera.inquirer.net/302886/4-na-kilalang-celebrity-nakaranas-ng-matinding-sintomas-nang-magpositibo-sa-covid
https://bandera.inquirer.net/300017/palitan-ni-brillante-mendoza-mapapasama-kaya-sa-film-festival-sa-ibang-bansa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.