Ruru Madrid inatake ng depresyon, muntik nang mag-quit sa showbiz: 2021, it’s not a good year for me…
Ruru Madrid
HINDI rin naging maganda ang taong 2021 para sa Kapuso hunk actor at singer na si Ruru Madrid.
Inamin ng binata na tulad ng maraming Pinoy, napakarami rin niyang naranasang kanegahan last year kung saan naapektuhan ang kanyang mental health.
Knows n’yo ba na muntik nang mag-quit sa showbiz si Ruru dahil sa naranasang anxiety at depression noong kasagsagan ng pandemya? Pero mas pinili niya ang lumaban sa halip na sumuko.
“To be honest, last year 2021, it’s not a good year for me. Ang dami kong pinagdaanan na mga challenges. Umabot sa point na medyo na-depress ako, nawalan ako ng drive, ng passion,” pahayag ni Ruru sa panayam ng GMA.
Isa pa sa naging dahilan ng kanyang pag-iisip noon ay ang matagal na pagkaka-delay ng serye niyang “Lolong”.
“I’ve been waiting for this project since 2019, lagi ko nga po nake-kwento sa inyo na sobra kong nag-wo-work out, kahit puyat ako nagwo-work out ako, nagda-diet ako, nagre-research ako about my character but dahil nga siguro sa mga delays or dahil na rin siguro sa pandemic lagi po kaming nade-delay, lagi po kaming naka-cancel.
View this post on Instagram
“So, umabot sa point na parang baka hindi ito talaga yung bagay na para sa akin, baka hindi ito ‘yung propesyon na para sa akin, maybe kailangan kong bumalik sa pag-aaral para hanapin na yung bagong propesyon na ‘yun. Dumating na ko sa point na ganu’n.
“But then, I realized ang dami ko nang pinagdaanan, I started when I was 14. When I was still a kid na wala ko iba iniisip kundi mag-enjoy and I was a dreamer before.
“But right now, dahil lang sa mga ganitong pangyayari, nawawalan ako ng pag-asa hindi dapat mangyari ‘yun. Pinilit ko yung sarili ko makabangon from sa baba talaga dahil papaano naman yung mga taong naniniwala sa akin,” paliwanag pa ng binata.
Pagpapatuloy pa niya, “This time, dahil nga naka-survive ako doon sa nangyari sa ‘kin last year, kahit na ano pang pagsubok ang pagdaanan ko, kahit na ano pang challenges ang pagdaanan ko, kakayanin ko na. Hindi ko na hahayaan ‘yung sarili ko na ma-depress ako or malungkot ako as long as may goal ako.”
Kasama na ang action-adventure series na “Lolong” sa mga Kapuso shows na nakatakdang ipalabas ngayong 2022.
https://bandera.inquirer.net/296591/ruru-madrid-biglang-nagbago-ang-itsura-nagparetoke-nga-ba-ng-ilong
https://bandera.inquirer.net/281632/ruru-jackpot-sa-career-at-lovelife-puring-puri-ni-rhea-tan-napakasarap-niyang-katrabaho-2
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.