Pia muling umapela sa publiko na magpabakuna na: Please don't delay, 'wag n'yo nang i-risk ang buhay n'yo | Bandera

Pia muling umapela sa publiko na magpabakuna na: Please don’t delay, ‘wag n’yo nang i-risk ang buhay n’yo

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 10:20 AM

Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach

MALING-MALI raw ang katwiran ng ilang Filipino na kaya ayaw nilang magpabakuna ay dahil nahahawa rin pala ng COVID-19 kahit fully-vaccinated na plus may booster pa.

Yan ang ipinagdiinan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa latest Instagram post niya matapos ngang maka-recover mula sa nakamamatay na sakit.

Ayon sa dalaga, napakahalaga pa rin na magpaturok ng anti-COVID-19 vaccine para may panglaban sa virus at maiwasan ang matinding sintomas sakaling mahawa pa rin.

“16 days now since I got COVID and although I’m already negative, I’m still managing some symptoms,” simulang mensahe ng beauty queen-actress na nananatili pa rin ngayon sa United Kingdom kasama ang pamilya.

Pagpapatuloy pa ni Pia, “Now I know some of you are thinking… ‘Eh kahit pala vaccinated ka, magkakasakit ka pa rin eh.’ Pero that is the wrong way to think about it.

“Paano na lang kung hindi ako nagpa-vaccine? Kung ngayon nga na vaccinated ako, walang comorbidity, healthy pero tinamaan ako nang ganito kalala, paano pa kaya kung pinili kong hindi magpa-vaccine? Siguro mas malala na ‘yung kalagayan ko. Or worse,” paliwanag pa niya.

Last week, kinumpirma ng aktres na tinamaan pa rin siya ng COVID-19 kahit bakunada na siya at nakapagpa-booster shot pa.

Ilan umano sa mga naranasan niyang sintomas ay lagnat, ubo, sipon, sakit ng lalamunan, at pananakit ng katawan. Bukod dito, nawalan din siya ng panlasa at pang-amoy. 

View this post on Instagram

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)


Sa kanyang post, iginiit ng beauty queen na wala umanong pinipiling tao o edad ang COVID-19.

“Kaya napakaimportante talaga na magpabakuna. If you’re reading this and you haven’t yet, please don’t delay…’Wag niyo nang i-risk na ‘di naman malala ‘yan’, eh paano kung malala ‘yung maging epekto sa ‘yo? Iri-risk mo buhay mo?” aniya.

Dagdag pang katwiran ng dalaga, totoong pwede ka pa ring mahawa ng virus pero kapag fully-vaccinated na ang isang tao ay may pangontra na siya laban sa COVID-19 at hindi na makaranas ng malalang sintomas.

“At makakatulong ka pa sa mga frontliners na mabawasan ‘yung mga naoospital. Madalas sa fatalities ay galing sa mga hindi nagpabakuna,” chika pa ni Pia.

Isa lamang ang TV host-actress sa tumataas na bilang ng mga celebrities na nagpositibo sa COVID-19 nitong nakaraang linggo, kasabay ng muling pagdami ng mga kaso ng hawaan sa bansa.

https://bandera.inquirer.net/279969/pia-wurtzbach-nagpakabaliw-dahil-sa-lalaki-kinalimutan-ang-pamilya-at-career

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286868/bakit-parang-kasalanan-ko-paano-magpapabakuna-kung-walang-bakuna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending