GMA 7 sunud-sunod ang mga pasabog sa 2022; Family Feud, Sang'gre, Voltes V, Running Man PH kasado na | Bandera

GMA 7 sunud-sunod ang mga pasabog sa 2022; Family Feud, Sang’gre, Voltes V, Running Man PH kasado na

Ervin Santiago - January 14, 2022 - 08:50 AM

PATULOY na naghahari ang “love and hope” para sa mga Kapuso dahil inihain na ng GMA Network ang mga exciting at world-class na programa na handog nito ngayong 2022!

Unang pasabog ng GMA News and Public Affairs ngayong bagong taon ang “Year of the Superhero” na ipinalabas nitong Jan. 1 kasama ang Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Tampok sa year-end special ang mga nakaka-inspire na kuwento ng kabayanihan noong 2021.

Nagbabalik naman sa GMA Afternoon Prime ang top-rating series na “Prima Donnas” sa Jan. 17 kasama pa rin sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Kasama rin sa cast sina Katrina Halili, Wendell Ramos, James Blanco, Benjie Paras, Elijah Alejo, Will Ashley, Vince Crisostomo, Bruce Roeland, Allen Ansay, at Sheryl Cruz, with Ms. Chanda Romero and Aiko Melendez. 

Nagsimula naman na nitong Lunes (Jan. 10) ang Afternoon Prime drama series na “Little Princess.” Bida sa serye na ito sina Jo Berry, Rodjun Cruz, at Juancho Trivino. Ang ‘Little Princess’ ay kuwento ng isang little person na nangangarap maging isang businesswoman kahit pa siya’y lumaking mahirap. Kasama rin dito sina Angelika dela Cruz, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, Tess Antonio, Chuckie Dreyfus, Therese Malvar, Lander Vera Perez, Gabrielle Hahn, Kaloy Tingcungco at Jestoni Alarcon. 

Kaabang-abang din sa GMA Afternoon Prime ang legal drama series na “Artikulo 247” nina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Kris Bernal, at Mark Herras. Ito’y tungkol sa isang babaeng pilit na kumakawala sa consequences ng kaniyang nakaraang pagkakadawit sa buhay ng kanyang boss at asawa nito. 

Ang ilan pang shows na dapat abangan sa GMA Afternoon Prime ay ang “The Fake Life,” “Apoy sa Langit,” “Abot Kamay na Pangarap,” “Frozen Love,” “Return to Paradise,” “Underage,” “Heaven In My Heart,” at “Nakarehas Na Puso.” 

Nangunguna naman sa listahan ng weekend game at variety shows ang “Family Feud,” isang popular na franchise game show kung saan dalawang pamilya ang magpapagalingan sa pagbibigay ng pinakasikat na sagot sa survey questions. 

Ang pinakahihintay namang Philippine franchise ng sikat na SBS Korea Original “Running Man Philippines” ay ipalalabas na ngayong 2022. Bagong breed naman ng talented music artists ang nakatakdang madiskubre sa “Sing For Hearts”. Tampok naman sa “The Best Ka!” ang Guinness World Records ng ‘Best of the Best’ sa talent, looks at iba pa. 

Maghanda sa isang action-packed adventure dahil ang top-rating family drama na  “Agimat ng Agila Season 2” ay magbabalik tuwing weekend kasama pa rin si Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. bilang Major Gabriel. Kasama niya rito sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, at Benjie Paras, pati na ang mga bagong miyembro ng cast na sina Gardo Verzosa, Betong Sumaya, Kim de Leon, Shanelle Agustin, at Miss Universe Philippines 2021 Rabiya Mateo.

Samantala, mapupukaw ang puso ng mga manonood gabi-gabi sa world-class GMA Telebabad dramas.
From big screen to primetime, magpapatuloy ang legacy ng blockbuster movie franchise na Mano Po sa premiere ng “Mano Po Legacy: The Family Fortune” simula January 3. Sa pangunguna ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Sunshine Cruz, Maricel Laxa, at Boots Anson-Roa, ang unang installment sa bagong Mano Po Legacy series ay iikot sa buhay ng isang prominenteng Chinese-Filipino clan at sa kanilang paghahabol sa naiwang yaman ng business tycoon at leader of the family matapos itong mamatay.   

Balik-GMA Telebabad naman si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa latest installment ng hit drama anthology na “I Can See You: AlterNate.” Ang bagong mini-series na nagsimula nitong January 10 ay tungkol sa kambal na namuhay nang hiwalay. Muling magkukrus ang kanilang landas nang maaresto ang isa sa kanila. Tampok din sa serye sina Beauty Gonzalez, Jackie Lou Blanco, Joyce Ching, at Ricky Davao.  

Abangan din ang pinakahihintay na sequel ng hit TV series na “First Yaya” na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, ang “First Lady.” Sinusundan nito ang kuwento mula sa “First Yaya”, ang serye ay tutuon sa buhay ng bagong pamilyang Acosta pagkatapos maikasal nina Melody at ng Pangulo. 

Kumukumpleto sa pamilya Acosta sina Cassy Legaspi, Patricia Coma, at Clarence Delgado. Nagbabalik din sa serye sina Pancho Magno, Joaquin Domagoso, Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez, Thou Reyes, Thia Thomalla, Glenda Garcia, at Ms. Pilar Pilapil. Pasok na rin ang batikang aktres na si Alice Dixson bilang pinakabagong miyembro ng cast.

Makakasama naman ng bagong Kapuso actor na si Xian Lim ang versatile actress na si Glaiza De Castro sa bagong primetime series na “False Positive.” Kuwento ito ng isang nagdadalang-taong maybahay na napabayaan ng kanyang asawa. Matapos nitong humiling sa isang mahiwagang fountain, biglang isang fetus ang nabuo sa tiyan ng kanyang asawang lalaki.

Sigurado ring mahu-hook ang mga manonood tuwing gabi sa “Widows’ Web,” isang murder-mystery series tungkol sa tatlong babaeng posibleng may kinalaman sa pagkamatay ng isang lalakeng konektado sa buhay nila. Pinangungunahan ito nina Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Vanessa Del Moral, at Carmina Villarroel. 

Nakatakda ring ihatid ng GMA Public Affairs ang pinakamalaking action-adventure series na “Lolong.” Pinagbibidahan ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, ang Lolong ay hango sa binihag na pinakamalaking buwaya sa mundo. Makakasama ni Ruru sa serye sina Arra San Agustin at Shaira Diaz, gayundin ang ilan sa mga malalaking pangalan sa local entertainment industry.

Patuloy pang aabangan ngayong 2022 ang mga upcoming GMA Telebabad series na “Mano Po: Her Big Boss,”“Love You Stranger,” “Bolera,” “The Witness,” “The Breadhouse,”  “Love Before Sunrise,” “What a Joy,” at ang “Sang’gre” kung saan bibida naman ang anak ni Danaya.

Inihahandog din ng GMA Network para sa loyal viewers nito ang highly-anticipated live-action adaptation ng hit Japanese anime series na “Voltes V: Legacy.”

Tampok sa groundbreaking project na ito sina Miguel Tanfelix bilanng Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert, Raphael Landicho bilang Little John, at sina Martin del Rosario bilang Boazanian Prince Zardoz, at Liezel Lopez bilanng Zandra. Kasama rin sa powerhouse cast sina Albert Martinez, Epy Quizon, Neil Ryan Sese, Carlo Gonzalez, at Gabby Eigenmann.

https://bandera.inquirer.net/284827/voltes-v-legacy-team-sasabak-na-sa-lock-in-taping-aicelle-maraming-nadiskubre-bilang-mommy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301937/voltes-v-legacy-ni-mark-reyes-aprub-na-aprub-sa-toei-company-na-surprise-sila-sa-napanood-nila
https://bandera.inquirer.net/300660/sunshine-nagpagupit-agad-ng-hair-para-sa-mano-po-legacy-kulang-na-lang-tumambling-ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending