Hidilyn Diaz: Kahit po ako, nag-positive na po, ingat po tayong lahat! | Bandera

Hidilyn Diaz: Kahit po ako, nag-positive na po, ingat po tayong lahat!

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Hidilyn Diaz: Kahit po ako, nag-positive na po, ingat po tayong lahat!

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 10:04 AM

Hidilyn Diaz

ILANG araw pagkatapos makuha ang kanyang booster shot, biglang nagpositibo sa COVID-19 ang 
Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Ibinalita ng 30-year-old weightlifter sa kanyang mga social media followers ang tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang official Instagram account.

Kagabi, Jan. 12, ipinost ni Hidilyn ang litrato ng isang e-mail letter na natanggap niya kung saan nga nakasaad ang positive result ng kanyang swab test.

Aniya sa caption, “Kahit po ako, nag-positive na po.”

Kasunod nito, muli siyang nagpaalala sa publiko na triplehin pa ang ginagawang pag-iingat at sundin ang lahat ng ipinatutupad na health and safety protocols.

Bigla na naman kasing tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Kasaluyang nagte-training sa Malaysia si Hidilyn para sa mga susunod niyang laban bilang champion weightlifter.

“Ingat po tayong lahat. Magpalakas at sundin lahat ng health protocols,” ang ipinagdiinang mensahe ni Hidilyn para sa sambayanang Filipino.

Sa isa pa niyang IG post, sinabi rin ni Hidilyn na, “With Covid spreading rampantly across the Philippines, it’s important to take every precaution to stay safe and prevent others from getting infected.”

Nito lang nagdaang Linggo, nagpaturok din si Hidilyn ng COVID-19 vaccine booster shot sa Quezon City. Dito, hinikayat niya ang lahat na huwag nang matakot magpabakuka para may ipanglaban kontra virus.

“Pa-vaccine at pa-booster na rin po kayo, huwag matakot. Mas okay ‘yun (na) may panglaban sa COVID-19,” ang paalala pa ng Olympic gold medalist kalakip ang kanyang litrato na kanyang ipinost sa Instagram stories.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Julius Irvin 光る Naranjo (@imjulius)

Hirit ni Hidilyn matapos magwagi ng gold sa Tokyo 2020 Olympic Games: Yes! Kakain talaga ako ng marami ngayon!

Cash reward ni Hidilyn umabot na sa P50-M; nakiusap para sa mga atletang Pinoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending