Claudine maraming beses nang naloko, tinraydor: Tinulungan mo na, ikaw pa ang masama! | Bandera

Claudine maraming beses nang naloko, tinraydor: Tinulungan mo na, ikaw pa ang masama!

Ervin Santiago |January 13,2022
facebook
share this

Claudine maraming beses nang naloko, tinraydor: Tinulungan mo na, ikaw pa ang masama!

Ervin Santiago - January 13, 2022 - 09:15 AM

Isang eksena ni Claudine Barretto sa ‘Deception’

MALALIM ang mga hugot ni Claudine Barretto nang mapag-usapan ang tungkol sa pagtatraydor at panloloko sa kanya ng ilang taong naging bahagi na ng kanyang buhay.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa reunion movie nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez under Viva Films, ang “Deception”, inamin ni Claudine na marami beses na siyang nalinlang.

Kaya naman relate na relate raw siya sa kuwento ng “Deception” kung saan gaganap siya bilang isang inang nakulong na maghihiganti sa mga taong nanloko at nagpahirap sa kanyang buhay.

“Itong pelikulang ito is very close to my heart dahil sa mga nangyari sa amin ng ex-husband ko,” simulang pahayag ng aktres.

“It hits close to home sa akin kasi hindi lang naman sa ex-husband ko kundi sa mga taong pinagkatiwalaan ko. Sa mga taong akala ko kaibigan ko, yun pala hindi. Tinulungan mo na, ikaw pa yung masama.

“I’ve had so much betrayal and deception in my life. Ang dami talaga. There’s so many relationships I had, whether friendship or at work or sa family or sa ex-husband. 

“Lahat yun napagdaanan ko kaya dapat mas extra careful ka. Saka yung sinasabi nila na love yourself, totoo yun. Huwag lang bigay nang bigay,” lahad pa niya.

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Claudine, alam naman ng lahat na ang tinutukoy niyang “ex-husband” ay si Raymart Santiago na sinasabing karelasyon naman ngayon ni Jodi Sta. Maria.

Hanggang ngayon ay hindi pa annulled ang kasal nina Raymart at Claudine at sa pagkakaalam namin ay nagkaroon na sila ng co-parenting agreement para sa kanilang mga anak.

Hindi lang kami sure kung nasusunod pa rin ni Raymart ang lahat ng napagkasunduan nila ni Claudine lalo na ang tungkol sa pagsusustento sa mga bata.

Samantala, todo puri naman ang direktor ng “Deception” na si Joel Lamangan kina Claudine at Mark dahil hindi raw siya pinahirapan ng mga ito sa kabuuan ng kanilang shooting.

“Napatunayan nila na sa muli nilang pagtatambal, hindi nag-iba ang kanilang kategorya bilang mahusay na actor at actress.

“Alam mo na sila ay mga professional at mayroong tinatagong kahusayan. Nu’ng silang dalawa ang ibinigay sa akin bilang mga artista ko sa ‘Deception,’ I asked myself kung paano ko gagawin na pagtambalin ulit ang dalawa after 27 years?

“Ganu’n pa ba silang kahusay o ka-professional? Ako ay hindi nabigo. Mahusay pa rin silang umintindi. Meron akong dalawang artistang intelihente. Naintindihan nila kung paano bibigyang buhay ang mga chacraters na assigned sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mas malalim sila ngayon dahil sa mga nakaraang taon at sa mga karanasan na nasagap nila sa kanilang buhay. Mas lalong naging malalim ang kanilang perception sa realidad na kinakaharap nila at na-translate nila ‘yun sa kanilang pag-arte,” pahayag ni Direk patungkol sa dating magdyowa.

Claudine kay Mark Anthony: Lalo siyang gumaling bilang aktor at mas bumait pa siya

Claudine sa pagbabati nila ni Marjorie: Maganda ang simula ng taon ko dahil nakasama ko ang buong pamilya ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending