Adrian Lindayag naging boses ng LGBTQ sa serye nina Paulo at Janine; shookt sa reaksyon ng madlang pipol | Bandera

Adrian Lindayag naging boses ng LGBTQ sa serye nina Paulo at Janine; shookt sa reaksyon ng madlang pipol

Ervin Santiago - January 12, 2022 - 07:45 AM

Adrian Lindayag, Janine Gutierrez at Cherry Pie Picache

HINDI in-expect ng Kapamilya actor na si Adrian Lindayag na magba-viral at aani ng papuri mula sa manonood ang pinag-usapang “coming out” scene niya sa “Marry Me, Marry You.”

In fairness, magmarka talaga nang bonggang-bongga sa Kapamilya viewers ang role ni Adrian sa serye bilang si Kelvin Zamora na tulad niya ay isa ring miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa isang hindi malilimutang episode ng “Marry Me, Marry You” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, agaw-eksena ang pag-amin ni Kelvin sa kanyang mga magulang na isa siyang bading.

Dito, talagang pinaiyak ni Adrian at ng mga gumaganap na parents niya sa serye na sina Cherry Pie Picache at Lito Pimentel dahil sa makatotohanan nilang mga eksena.

“Sobrang overwhelmed ako sa mga comments na natanggap namin para sa eksenang yun. 

“I would like to commend yung mga writers, yung sumulat sa eksena kasi napakahalagang ikuwento yung pagtanggap ng pamilyang Filipino sa mga LGBT nilang kapamilya and proud ako na ABS-CBN and Dreamscape told that story,” ang pahayag ni Adrian sa ginanap na “Marry Me, Marry You Finale” mediacon last Jan. 4.

Itinuturing ng young actor na isa sa “unforgettable project” niya ang nasabing Kapamilya drama series dahil talagang nabigyan uli niya ng maganda at makabuluhang “representation” ang LGBT community. 

View this post on Instagram

A post shared by Adrian Lindayag (@adrianlindayag)


Pahayag pa ni Adrian, na mas nakilala pa sa Metro Manila Film Festival 2020 entry na “The Boy Foretold By The Stars,” “I think more than the honor of portraying Kelvin and his story and being part of this beautiful show, pinakapaborito ko talaga yung samahan na nabuo naming lahat and iti-treasure ko yun forever for the rest of my life. 

“I love you Marry Me Marry You family and sa lahat ng mga kapamilya na sumubaybay sa aming munting pamilya maraming salamat. Huwag niyong palalagpasin ang huling tatlong linggo,” aniya pa.

Samantala, naging memorable rin ang New Year celebration ni Adrian kasama ang pamilya dahil ipinagdiwang nila ito sa bundok.

“Kasama ko yung family ko sa overlooking, so sa taas ng bundok so medyo kita namin na mas mataas kami kesa du’n sa fireworks. 

“First time ko ma-experience yung ganung klaseng New Year so it was interesting and fun,” masayang kuwento pa ni Adrian. 

Tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng “Marry Me Marry You”, tuwing 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang ABS-CBN platforms.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290811/mas-madaling-maging-straight-but-i-wasnt-born-that-way-bakla-ako
https://bandera.inquirer.net/290526/jodi-sa-bl-series-na-love-beneath-the-stars-meron-siyang-effect-sa-manonood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending