Nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player arestado sa mga kasong extortion, carnapping | Bandera

Nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player arestado sa mga kasong extortion, carnapping

Reggee Bonoan - January 11, 2022 - 07:50 AM

Ang babaeng nahuli ng PNP nga kaya ang tinutukoy ni Ogie Diaz na may utang din sa kanya?

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kaninang tanghali tungkol sa taong matagal nang hindi nagbabayad ng utang sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz 

Binantaan na kasi niya sa pamamagitan ng isang Facebook post ang asawa ng isang basketball player na hanggang ngayon daw ay hindi pa nakakabayad ng utang sa kanya.

Ang luma na raw ng mga dahilan ng misis ng basketball player sabi ni Ogie, “Hintayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa akin.

“Dalawang taon na niyang sinasabi yan. At dito lang siya consistent, ah! Sana, sa pagbabayad din ng utang, Ms. P.

“Mabait naman ako, sabi ko sa kanya. Kaso parang inaabuso naman niya ang kabaitan ko. Nakakapagod na. Kaya eto ako ngayon, nagsusumbong sa Facebook.

“Ang dami nang naniningil ng utang sa kanya. At dalawa na kami doon ni Doc Louie. Dalawa lang kami sa napakarami.

“Kung nakakabilyonaryo lang ang mga pangakong magbabayad na me kasama pang petsa kung kelan, baka nabayaran ko na ang utang ng Pinas. Ganu’n kagrabe mangako. At ang kapal ng mga tseke niyang walang pondo.

“Pasasaan ba’t babanggitin ko rin ang name ng lola nyong maganda, pero lumampas sa kanyang lifestyle at ibinigay din ang marangyang buhay ng dyowa niyang player, kaya nagkandalubog-lubog din sa utang.

“Uy, maawa ka sa anak mo. Yan ba ang mamanahin niya sa iyo? Kahihiyan?

“Hay, naku, ang laki ng natutunan ko sa kanya. Para akong nag-aral sa isang private school ng isang kurso na may kasamang masteral at doctorate para lang matuto.

“Kaya wag na wag kayong magtitiwala agad-agad sa maaamo ang mukha at halos di makabasag ng pinggan ang itsura. Mas magtiwala kayo sa pinggan,” litanya ng vlogger.

At kaninang 5 p.m. nga ay muling nag-post ang talent manager sa kanyang FB account, “Ayun. Nasa kulungan na sila. Titigas kasi ng mukha. Patuloy na nang-iisa ng kapwa. Nasakote rin. Finally.”

Mukhang ang tinutukoy ni Ogie ay ang report sa “TV Patrol” ngayong gabi tungkol sa babaeng nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player na inaresto ng Phillipine National Police Highway Patrol Group dahil sa mga kasong extortion, carnapping at paggamit ng ibang pangalan.

Ayon sa ulat, “Nagmamadaling pumunta ng Highway Patrol Group sa Camp Crame si Alvin Clarinan matapos mabalitaang nahuli ng mga pulis ang babaeng tumangay umano sa tatlong sasakyan niya.

“Bitbit ang mga promissory note at tumalbog na tseke, sinabi ni Clarinan na inalok na rerentahan ng babae ang mga sasakyan sa halagang thirty thousand pesos kada isa pero mula noong nakaraang taon ay hindi na ito nagbayad, hindi na rin naibalik ang mga sasakyan,” sabi pa sa nasabing report.

Kuwento ng complainant na si Clarinan, “Sana maibalik po ‘yung sasakyan namin at mabayaran din n’yo kami. Sana po mabayaran n’yo kami sa ginawa ninyong abala sa amin.”

Hindi rin daw inakala ng nagrereklamo na lolokohin siya ng suspek. 

Sabi pa sa ulat, una nang nahuli ng PNP HPG ang suspek at isa pa nitong kasamahan matapos ang isang entrapment operation.

Ayon kay HPG Brigadier General Rommel Marbil ay modus daw ng grupo na palabasing lehitimo ang rental transaction pero kalaunan ay hindi na ibabalik ang sasakyan at hindi rin magbabayad ng renta.

“Ito po ‘yung mga modus operandi nila usually they rent mga sasakyan nila (mga nagrereklamo) hihiram sa ‘yo tapos isosoli sa’yo hanggang makuha mo ‘yung loob nila at kapag nakuha ‘yung loob then they will get more cars from you. Pag nakuha na raming sasakyan bibigyan ka ng tseke tapos hindi na nila isosoli,” kuwento ni Marbil.

Gumagamit din daw ang suspek ng mga pekeng pangalan at ID, ayon sa HPG.

May 20 complainant na ang nagreklamo sa dalawang suspek.  Hindi lang umano sa renta inirereklamo ang nagpakilalang asawa ng basketball player kundi magingvsa iba pang investment scam.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek sa media tungkol sa mga kasong isasampa sa kanila.

https://bandera.inquirer.net/302568/ogie-diaz-binantaan-na-ang-asawa-ng-basketball-player-na-hindi-pa-nagbabayad-ng-utang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/293406/james-yap-certified-vlogger-na-rin-na-wow-mali-agad-sa-unang-vlog
https://bandera.inquirer.net/293017/claudine-wala-akong-utang-kay-ms-jinkee-pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending