Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang | Bandera

Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang

Reggee Bonoan |January 10,2022
facebook
share this

Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang

Reggee Bonoan - January 10, 2022 - 12:41 PM

Ogie Diaz

PARATING nagpaparinig ang talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account tungkol sa mga taong may utang sa kanya na ilang taon nang nangangakong magbabayad pero palagi namang napapako.

May nabasa pa kaming panay ang post ng mga bagong gamit, mga kinainang mamamahaling restaurant at panay ang pasyal pero ang utang kay Ogie ay hindi naaalalang bayaran.

Nagbiro pa nga ang komedyante na papangalanan na niya ang mga ito dahil naiinis na siya, pero hindi rin naman niya ginawa.

At heto, Linggo pasado 9 p.m. ay muling nag-post si Ogie at may mukha na kung sino ang sinisingil niya, asawa ng isang basketball player na bagama’t blind item ay marami na rin ang nakakaalam kung sino.

Tinanong namin si Ogie kung may plano siyang magdemanda at ang sagot sa amin, “Pang-deadline. Ha-hahahaha!”

Samantala, narito ang mahabang post ni Ogie tungkol sa asawa ng basketbolista na hanggang ngayon ay may utang sa kanya.

“Ang luma na ng mga dahilan ng misis ni Basketball Player. Hintayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa akin.

“Dalawang taon na niyang sinasabi ‘yan. At dito lang siya consistent, ah! Sana, sa pagbabayad din ng utang, Ms. P.

“Mabait naman ako, sabi ko sa kanya. Kaso parang inaabuso naman niya ang kabaitan ko.

“Nakakapagod na. Kaya eto ako ngayon, nagsusumbong sa Facebook.

“Andami nang naniningil ng utang sa kanya. At dalawa na kami doon ni Doc Louie. Dalawa lang kami sa napakarami.

“Kung nakaka-bilyonaryo lang ang mga pangakong magbabayad na me kasama pang petsa kung kelan, baka nabayaran ko na ang utang ng Pinas. Ganu’n ka-grabe mangako.

“At ang kapal ng mga tseke niyang walang pondo.

“Pasasaan ba’t babanggitin ko din ang name ng lola n’yong maganda, pero lumampas sa kanyang lifestyle at ibinigay din ang marangyang buhay ng dyowa niyang player, kaya nagkandalubog-lubog din sa utang.

“Uy, maawa ka sa anak mo. ‘Yan ba ang mamanahin niya sa iyo? Kahihiyan?

“Hay, nako…. anlaki ng natutunan ko sa kanya. Para akong nag-aral sa isang private school ng isang kurso na may kasamang masteral at doctorate para lang matuto.

“Kaya ‘wag na ‘wag kayong magtitiwala agad-agad sa maaamo ang mukha at halos di makabasag ng pinggan ang itsura.

“Mas magtiwala kayo sa pinggan.”

Mukhang kilala namin kung sino ang blind item na ito ni Ogie dahil natalakay na ito nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa online show na “Cristy Ferminute” na napapanood sa FB Live: One PH at Cignal Play App.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, hihintayin namin ang update ni Ogie dahil sabi niya sa amin ay abangan namin ang vlog niya tungkol dito.

James Yap certified vlogger na rin; na-wow mali agad sa unang vlog

Hugot ni Coco: Yan ang Filipino, marunong tumanaw ng utang na loob!

Willie pinatunayang hindi gahaman at uhaw sa kapangyarihan; Will To Play may bonggang pasabog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending