Robin inuna ang mga biktima ni Odette bago umuwi, hirit ni Mariel: Itutuluy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko!
Mariel Rodriguez at Robin Padilla
ANG Pasko at Bagong Taon ay parehong mahahalagang okasyon dahil ito ang nilu-look forward ng bawa’t pamilyang Filipino para makumpleto lalo na ‘yung mga wala rito sa bansa.
Pero hindi nangyari ito sa pamilya ni Robin Padilla dahil tumayming na noong araw ng Pasko ay namahagi ng mga tulong ang aktor sa mga naging biktima ng bagyong Odette.
Ito ang kuwento ng asawa niyang si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang YouTube channel na kinumpirma ngang hindi nila nakapiling si Robin nitong nagdaang holiday season.
Sa nasabing video ay abalang-abala si Mariel kasama ang angels niya sa bahay sa paghahanda ng kanilang Noche Buena.
“We are preparing for our Christmas eve and ako talaga ang wish ko lang talaga ha, haha, buo ang pamilya and hindi mangyayari dahil nagkaroon ng bagyo.
“And dahil sa bagyo, si Robin nasa out where, na-shock nga ako kasi nagpakamatay akong magluto ng steak tapos ‘yung asawa ko namimigay ng mga milyones. Ha-hahaha!
“Namimigay siya kasi ganu’n siya talaga hindi dahil he’s running for senate or anything kasi ganu’n siya talaga kahit dati pa,” kuwento ng maybahay ni Binoe.
Nagbalik-tanaw pa si Mariel na noong ikalawang taon palang ng kasal nila at wala pa silang anak ay sa Cagayan de Oro sila nag-Pasko dahil nagkaroon doon ng bagyo at isinama siya ni Robin pati pamilya nila para mamahagi rin ng tulong sa mga nasalanta.
At heto, naulit na naman bago mamaalam ang 2021, “This is again, hindi ko masabing sad. So as you guys know that we were not able to spent Christmas together dahil umuwi siya ng 29 (December), umalis din siya ng 30.
“Kasi feeling niya ‘yung mga needs ng mga people na hindi puwedeng sabihin na ‘holiday kasi ngayon, palipasin ko muna ‘yung holiday at saka ko tutulungan ang mga tao.’
“Hindi ganu’n ang thinking niya kasi ‘yung needs ng mga tao urgent, kaagad ngayon! And siya rin, I’m sure gustung-gusto rin niyang nandito on New Year’s Eve!” kuwento pa ni Mariel.
At dahil malakas ang hangin at ulan sa kinaroroonan ngayon ni Robin ay hirap silang makapaghanap ng mga yero para sa mga gagamiting bubong sa pagtatayo uli ng mga bahay na nasira.
“Sobra akong na-sad kasi sinabi niya (Binoe) bukas (Jan. 1) pa siya uuwi. Kaya ‘yung casting nu’ng Pasko, ‘yun din ang casting nu’ng New Year. Ha-hahaha!” tumawang sabi ng wifey ni Robin.
Pagkatapos ng Media Noche ay nagka-video call sina Mariel at Robin na makikitang nakahiga na sa kanyang kuwartong walang aircon at dinig na dinig ang lakas ng ulan at wala ring ilaw. Bukod tanging ang liwanag ng cellphone ang meron kaya sila nagkakitaan.
“Kami ngayon ay LDR, long distance relationship,” sambit ni Mariel.
Natawa ang asawa at sabay sabing, “OFW ako, eh.”
“Heto, hindi pa nakakauwi may next schedule naman, Palawan naman daw, sabi ko itutuloy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko!” sabi ni Mariel at tawang-tawa naman si Robin.
Sabay hirit ng aktor, “Mukha namang happy ka na single mom ka eh.”
“Happy daw ako as single mom, hayan oh (sabay pakita ng wine bottle), ubos na nga ‘yung bote oh,” natawang sabi ng mama nina Isabela at Gabriela.
Pero paggising ni Mariel kinabukasan ay ang ganda na ng aura niya, “Today is 2022, the very first day and guess what, nandito si sir (Robin) umabot siya sandali just for January 1!”
Sabay pakita kay Robin na nakikipaglaro sa mga anak na ayon kay Mariel sa tuwing darating ang hubby niya ay talagang naglalaan ito ng oras para makalaro ang mga anak.
https://bandera.inquirer.net/289526/robin-umamin-kay-mariel-kung-kailan-huling-natukso-sa-babae-nagseselos-sa-steak-ng-asawa
https://bandera.inquirer.net/291622/mariel-rodriguez-masaya-pa-rin-ba-bilang-asawa-ni-robin-padilla
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.