Kapuso actress Anna Vicente buntis na, kambal ang magiging panganay | Bandera

Kapuso actress Anna Vicente buntis na, kambal ang magiging panganay

Ervin Santiago |January 06,2022
facebook
share this

Kapuso actress Anna Vicente buntis na, kambal ang magiging panganay

Ervin Santiago - January 06, 2022 - 06:59 AM

Anna Vicente

KAMBAL ang magiging panganay na anak ng Kapuso actress na si Anna Vicente at ng non-showbiz partner niyang si Paolo Mercado.

Ito ang masaya niyang ibinalita  kahapon sa kanyang mga tagasuporta at social media followers sa pamamagitan ng Instagram.

Ayon nga sa aktres na huling napapanood bilang kontrabida sa afternoon series ng GMA 7 na “Ang Dalawang Ikaw” nina Ken Chan at Rita Daniela, twins ang ipinagbubuntis niya.

“I knew that this would be the best journey of my life,” ang bahagi ng inilagay niyang caption sa litratong ipinost niya sa IG kung saan kitang-kita na ang kanyang baby bump.

Dagdag pa niyang mensahe patungkol sa pagdadalang-tao niya, “From the moment I found out I was pregnant, I knew that this would be the best journey of my life.

“I’m so excited to share this good news with all of you! Yes, I am growing two little angels and they are ready to say hello this 2022,” sabi pa ni Anna.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati para sa future mommy mula sa mga netizens kabilang na riyan ang ilang kapwa Kapuso stars.

“Be extra safe, Anna! Praying for you and for your new family. God bless you,” ang komento ni Rita Daniela sa IG post ni Anna.

Ayon naman kay Angela Alarcon, “I love you, babe! Can’t wait to meet the angels!”

Bukod sa pagiging kontrabida sa “Ang Dalawang Ikaw”, napanood din si Anna sa iba pang serye ng GMA tulad ng “Magkaagaw” at “Bilangin Ang Bituin sa Langit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by ANNA VICENTE (@itsannavicente)

Kapuso kontrabida Anna Vicente ka-look-alike raw nina Bea Alonzo at Emma Watson, agree?

Elijah Alejo pahinga muna sa pagiging kontrabida; Anna Vicente binigyan ng big break ng GMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending