Hugot ni Kim Chiu: Tanggap naman pala ako ng tao kahit na ganito ako…
Kim Chiu
NANG dahil sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN mas madaling nakabawi at nakabangon si Kim Chiu mula sa sunud-sunod na pagsubok na kanyang hinarap ngayong 2021.
Ayon sa actress at TV host, totoong binago siya ng pandemic at napakalaki ng naitulong sa kanya ng health crisis sa buong mundo para mas maging matapang, matatag at palaban sa anumang hamon ng buhay.
“Binago po ako ng pandemic. Ha-hahaha! Nakatulong din po yung Showtime, sobrang laking tulong po na itayo ko yung sarili ko kasi yon po araw-araw, Mondays through Saturdays, wala kaming script doon, meron man pero konti lang.
“Parang binibigyan ka nila ng tiwala na, ‘Sige bahala ka kung ano gusto mo.’ So ako, unti-unti kong nagge-gain yung confidence ko simula nung pumasok ako sa Showtime,” sabi ni Kim.
In fairness, nakaisang taon na rin ang dalaga sa noontime show ng Kapamilya channel at super happy siya dahil feeling belong na belong na siya sa programa at tanggap na rin ng manonood ang mga bloopers niya.
“Okay naman pala. Tanggap naman pala ako ng tao kahit na ganito ako. Bakit kapag tinatago ko yung sarili ko ang dami nilang sinasabi?
“Pero ngayon na hinarap ko na kung sino ako, eh, meron talagang…meron namang ayaw pero maraming masaya at yon ang mahalaga. Parang be yourself, bahala na sila kung ayaw nila.
“Kasi ako as a person, meron din naman akong ayaw. So ganu’n talaga yung tao, may ayaw, may gusto. Pero ‘eto ako, enjoy kasi ako sa ginagawa ko kaya tuloy lang ang buhay,” sabi pa ng girlfriend ni Xian Lim.
View this post on Instagram
Sa tanong kung anu-ano pa ang naging epekto sa kanya ng pandemya, “Siyempre may mga negative effects talaga, pero ang magandang epekto ng pandemic ay hindi ako nagpapadala sa sinasabi ng ibang tao dahil masaya ako, masaya yung disposisyon ko sa buhay. Bakit ko yon sisirain sa mga taong hindi ko naman kakilala, di ba?
“Pero siyempre malaki rin ang utang na loob ko sa kanila dahil sinusuportahan nila ako sa mga teleserye, sa mga pelikula.
“Very grateful ako pero hindi ko sinasabing wala akong pakialam sa mga taong hindi ko kakilala. Nagpapasalamat ako pero pag may sinasabi silang mga bagay a below the belt na, wala na ako diyan.
“Parang nase-segregate ko na ngayon, nahahati ko na yung mga bagay o mga salita na pinapabasa ko sa sarili ko at ang mga hindi.
“Pero at the end of the day I’m very grateful sa kanila, basher man yan o fan. Masaya ako na nandiyan sila at sinusuportahan nila ako,” sabi pa ni Kimmy na bida sa isang episode ng horror trilogy na “Huwag Kang Lalabas” na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.
https://bandera.inquirer.net/283503/kim-niregaluhan-ni-xian-ng-ootd-na-pang-motor-para-raw-ready-ako-umangkas-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/281988/kim-nagsalita-na-tungkol-sa-chikang-kasal-na-sila-ni-xian-gusto-rin-daw-maging-koreana
https://bandera.inquirer.net/300755/kim-super-proud-sa-pinagdaanang-pagsubok-my-gosh-naka-frame-na-po-lahat-ng-mga-balita-chos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.