Tito Sen ibinuking ang 'sikreto' ni Bossing: Yun ang kauna-unahang napaiyak ako ni Vic! | Bandera

Tito Sen ibinuking ang ‘sikreto’ ni Bossing: Yun ang kauna-unahang napaiyak ako ni Vic!

Ervin Santiago |December 27,2021
facebook
share this

Tito Sen ibinuking ang ‘sikreto’ ni Bossing: Yun ang kauna-unahang napaiyak ako ni Vic!

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 12:34 PM

Vic Sotto at Tito Sotto

NABUKING ang “pinakatagu-tagong sikreto” ni Bossing Vic Sotto nang magkuwento at mapa-throwback ang kapatid na si Sen. Tito Sotto tungkol sa kanilang kabataan.

Sa nakaraang Christmas episode ng “Eat Bulaga”, may ibinuking di Tito Sen sa “Bawal Judgmental” segment kung saan naikuwento nga niya ang ilang kaganapan noong mga bata pa lang silang magkakapatid.

Ayon sa senador na tumatakbo sa pagka-bise presidente ng bansa para sa May, 2022 elections, tandang-tanda pa niya ang isang tagpo kung saan first time raw siyang napaiyak ni Vic.

Sina Tito Sen, Bossing Vic, Joey de Leon, Allan K at Jimmy Santos ang naging choices sa “Bawal Judgmental” bilang bahagi ng kanilang Christmas celebration.

Sa isang bahagi ng segment ay napagkuwentuhan nga ang kanilang naging buhay at hindi makakalimutang mga karanasan noong mga estudyante pa lamang sila.

Dito nga ibinahagi ni Tito Sen ang tungkol sa nakababatang kapatid na si Vic noong nag-aaral pa sila sa elementarya sa Colegio De San Juan Letran na matatagpuan sa Intramuros, Manila.

Chika ng actor-politician at TV host, hinding-hindi raw niya makakalikutan nang minsang ipatawag siya ng kanilang teacher. Siya raw kasi lagi ang kinakausap ng mga guro ni Bossing kapag may problema ito Vic sa kanilang paaralan.

Sabi ni Tito Sen, “‘Yun ang kauna-unahang napaiyak ako ni Vic noong elementarya, siya maliit, kasi tinawag ako ng teacher.

“Sabi sa akin, puntahan ko raw ‘yung kapatid ko, si Vic, sabing gano’n. Tinanong ko bakit, ayon pala nag-number two (nagpupu) sa salawal.

“Pinuntahan ko, tulungan ko raw, hinanap ko, nandoon daw sa toilet. Pagpunta ko sa toilet, nakita ko,” ang pagbabalik-tanaw ng senador na pigil na pigil ang pagtawa.

Bigla namang sumingit si Bossing at humirit ng, “Parang masyado na akong naaalipusta rito ha!” Tawanan naman ang mga co-hosts ng “Eat Bulaga” na sina Wally Bayola at Jose Manalo pati na ang asawa ni Vic na si Pauleen Luna.

Natatawa pang pambubuking ng TV host at public servant, naabutan niya raw si Bossing na nilalabhan ang underwear at shorts nito sa comfort room ng school. 

Sagot naman ni Bossing, “Siyempre malinis ako sa katawan, hindi pwedeng may jackpot sa shorts!”

Dagdag pa ni Sen. Tito, kung noon daw ay awang-awa siya kay Vic ngayon daw ay natatawa na lang siya kapag naaalala niya ito.

“Dati naiiyak ako sa awa, ngayon na lang ako natatawa kapag naaalala ko,” pahayag pa ni Tito Sen.

View this post on Instagram

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283091/bossing-emosyonal-sa-67th-quarantine-b-day-ang-wish-ko-good-health-para-sa-lahat-ng-tao
https://bandera.inquirer.net/289698/bossing-kay-tito-sen-saan-ka-man-dalhin-ng-iyong-kapalaran-nasa-likod-mo-ang-buong-eat-bulaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending